Nagmamalasakit lang
Dear Dr. Love,
May kamag-anak po kami na gusto naÂming pagmalasakitan pero nag-aalangan ang aming pamilya dahil sa posibilidad na mapagbintangan kaming nagte-take advantage sa mga ari-arian na maaaring manahin ng mauulilang anak, mula sa nalalapit nang pagpanaw ng aming lola sa pinsan.
Nasa 80-anyos na po ang tinutukoy kong lola habang ang anak niyang si Maria ay 50-anyos. Pero ang nakakalungkot po ay maÂpagkakamalang itong mentally disturbed. Malimit po siyang maoobserbahan na nakatitig lang sa kawalan.
Loner rin po siya at kahit kailan ay hindi nakapag-boyfriend. Siya po kasi ay karay-karay lang ng kanyang ina noong kalakasan pa nito. At ngayon nga po na nalalapit nang pamamaalam sa mundo ng kanyang ina, na aming lola sa pinsan at wala na siyang ibang kamag-anak, naiisip po ng aming pamilya na pagmalasakitan siya.
Maaari po kasi sa kalagayan niya ay may magsamantala sa kanya at mawalang parang bula ang mga mamanahin niya mula sa kanyang ina. Gusto po ng aming pamilya na matagal sana niyang mapakinabangan ang bawat piso na maiiwan sa kanya.
Ang isa pa po na pag-aalangan namin ay maaaring dahil sa hindi sanay sa pakikisaÂlamuha si Maria ay hindi rin niya gustong pakialaman namin siya.
Ayaw po namin masisi rin, na bilang natitirang kamag-anak ay hayaan na lang namin si Maria. Paano po kaya ang magandang gawin? Pagpayuhan po ninyo kami.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Mara
Dear Mara,
Bilang natitirang kamag-anak, kayo na lang ang maaaring gumabay kay Maria para mapanatiling maayos ang buhay niya. Kaya huwag ninyong intindihin ang sasabihin ng ibang tao.
Ang mahalaga ay malinis ang inyong haÂngarin na pagmalasakitan ang kamag-anak na sa tingin ninyo ay walang sapat na kakayahan para mapangalagaan ang kanyang sarili.
DR. LOVE
- Latest