Ang lihim ni Celia
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lamang akong Celia, 20 anyos. Hindi ako nakikipagrelasyon kahit kaÂninong lalaki dahil sa isang dahilan. May lihim akong itinatago.
Ako ay 17-anyos nang maging biktima ng rape. Hindi ko kilala ang tatlong lalaking naghalinhinang halayin ako nang tangayin ako at dalhin sa isang talaÂÂÂhiban.
Sa kasamaang palad ay natabunan ang kasong yaon dahil hindi ko nakilala ang mga lumapastangan sa akin.
Isa pa, sinabihan ako ng mga magulang ko na pagtakpan na lang ang nangyari kaya kami lang mag-anak ang nakakaalam nito hanggang sa nangyari ang kinatatakutan naming lahat. Nagbunga ang panghahalay na ‘yon sa akin.
Ipinadala ako ng mga magulang ko sa malayong lalawigan at doon ako nagsilang ng sanggol. May takot sa Diyos ang mga magulang ko at ayaw nilang ipalaglag ang bata.
Ngayon ay 3 taon na ang anak ko at inangkin naman ng aking pinsan na walang anak. Very closely kept secret ang nangyari sa akin at maging ang anak ko ay walang kamalay-malay na ako ang kanyang ina.
Gusto kong mag-move on pero nag-aalinlangan ako. Ayokong dayain ang lalaking magiging kasintahan ko. Ano ang dapat kong gawin?
Celia
Dear Celia,
Mahirap mang gawin ay dapat kang magpakatotoo. Bago ka makipagkasintahan ay dapat maging open ka sa manliligaw mo. Hindi ka imoral na babae dahil ang naganap sa iyo ay hindi mo kagustuhan. Magtapat ka at kung tatanggapin ka ng manliligaw mo sa kabila ng masaklap mong karanasan, eh ‘di wala ka nang problema. Hindi ka nandaya o nanlamang kanino man.
Mahirap mang gawin, make your life at open secret. Lahat ng nagpapakatotoo ay pinagÂpapala ng Diyos.
Dr. Love
- Latest