^

Dr. Love

Nae-excite pa rin sa ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Engaged na po ako at next year ay naka­takda nang ikasal, pero ang hindi ko po ma­intindihan sa sarili… hindi ko pa rin makalimutan ang ex-boyfriend ko, hindi rin po ako makapagpasya kung dapat ko na bang putulin ang komunikasyon ko sa kanya kahit pa ito ay bilang kaibigan lang.

High school lover kaming matatawag. School valedictorian ako at first honorable mention naman si Richard nang magtapos kami. Siya ang presidente ng aming klase at sikat siyang basketball player. Ang kantsaw noon sa akin, nadadala lang ako ng kasikatan ni Richard kaya naging kami.

Kahit matagal na kaming hindi nagkikita, simula nang maka-graduate dahil nangibang bayan ang kanyang pamilya at doon na siya nag-aral. Hindi pa rin nawawala ang closeness namin nang magkita kami sa reunion.

Tumatawag at nagte-text ng madalas si Richard at aminado akong pinanabikan ko ang mga ito. Kahit pa kwentuhan lang na walang kapararakan ang nangyayari.

Dr. Love, dapat ko na bang putulin ang pakikipag-ugnayan kay Richard? May ka-live in po siya pero wala silang anak.

Gumagalang,

Charmain

Dear Charmain,

Reading between the lines, may natitira ka pa ring pagtatangi sa iyong ex-boyfriend. Kinukumpirma ito ng pagkakaroon mo ng excitement sa mga tawag at text niya. Pareho n’yong alam na may kani-kaniya na kayong commitment, may ka-live in siya at ikaw naman ay engaged na. Kapwa kayo nagiging unfair sa inyong partner.

Kung ang kalooban mo ay hindi pa talaga naka-fix sa taong ka-engaged mo, may chance ka pa na magbago ng desisyon hang­ga’t hindi ka pa naikakasal. Kadasalan, hindi nagwo-workout ang pagpapakasal kung may ibang laman ang puso. May panahon ka pa para mag-isip.

Pero kung nakakatiyak ka sa iyong naka­takdang pagpapakasal, kahit pa may presensiya ng iyong ex-boyfriend. Pinakamabu­ting putulin mo ang anumang ugnayan mo sa kanya. Dahil engaged ka palang ay nagkakasala ka na sa iyong fiancée.

DR. LOVE

vuukle comment

CHARMAIN

DAHIL

DEAR CHARMAIN

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with