Nag-commit dahil may pakinabang?
Dear Dr. Love,
Hello po sa kinagigiliwan kong tagapayo. Sana matulungan ninyo ako kung ano ang maÂbuting maging desisyon sa proposal sa akin ng boyfriend ko.
Kasamahan ko si Danny sa opisinang pinaÂpasukan ko, kaya kami nagkakilala at naging magkaibigan. Working student siya at ang kakaÂrampot na kita ay hinahati pa niya para ipadala sa mga magulang niya sa probinsiya.
Kung minsan at talagang gipit siya, sa akin siya nanghihiram. Nababayaran naman niya, nga lang kung minsan natatagalan. Sinisikap niyang igapang ang pag-aaral sa law school kahit iilang unit lang ang nakukuha niya kada semester.
Na-develop ang closeness namin hanggang magtapat siya sa akin ng pag-ibig.
Nasa third year irregular na siya nang mag-retrench ang opisina namin at kasama siya sa mga natanggal. Dahil sa mga nangyari, kinaÂÂusap ako ni Danny at hiniling niyang lumipat sa inuupahan kong apartment. Kung papayag din daw ako, sagutin ko raw muna ang lahat ng kaÂilangan niya sa kanyang pag-aaral habang wala pa siyang nakukuhang trabaho. Ang lahat daw ay utang na babayaran niya, hindi thank you lang.
Ang totoo po, nawala ang paghanga ko dahil sa proposal na ito ni Danny. Ang pakiwari ko po ay nag-commit lang siya sa akin dahil sa pakinabang. Ang sabi niya kasi noong una ay wala siyang maipapangakong commitment dahil wala pa siya sa posisyong magpamilya. Binabalak ko nang makipag-cool off sa kanya. May basehan po ba ang pangamba ko?
Gumagalang,
Nilda
Dear Nilda,
Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Ikaw ang makakaramdam kung tunay ngang may pagmamahal at hindi lang dahil sa pakinabang ang pakikipagrelasyon sa iyo ng boyfriend mo.
Posibleng makatulong ang cool-off para maÂkapag-isip kayong dalawa at mapag-aralan mo ang damdamin mo para sa iyong boyfriend.
DR. LOVE
- Latest