^

Dr. Love

May mga anak na ang bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello, Dr. Love. Sana datnan ka ng sulat ko na masaya at walang problema.

Ako po ay may problema sa aking kasintahan. Tawagin mo na lang akong Loida, 21 anyos.

Ang boyfriend ko ay 35 anyos at hindi ko inakalang isa pala siyang biyudo at mayroon nang tatlong anak.

Hindi niya agad sinabi sa akin ito kaya nagagalit ako sa kanya. Akala ko noon ay binata siya dahil wala sa hitsura niya ang may asawa o padre de pamilya.

Ang pagkaalam ko ay mayroon siyang tindahan ng auto supply sa Banawe na namana niya sa kanyang namatay na ama dahil nag-iisa siyang anak.

Ayaw ko po kasing magkaroon ng selosan kung sakaling ako ay magka-anak sa kanya.

Pero siniguro naman niya sa akin na magiging pantay-pantay ang pagtrato niya sa mga anak niya sa unang asawa at magiging anak ko.

Dapat ko bang ituloy ang relasyon sa kanya?

Gumagalang,

Loida

Dear Loida,

Mukha namang responsable ang iyong kasintahan kaya wala akong nakikitang problema kung magkakatuluyan kayo.

‘Yung inaalala mo na “selosan” ng inyong mga anak ay hindi mangyayari sa tamang pagpapalaki ninyo sa inyong mga anak.

Dapat ay ituring mo rin ang mga anak niya, na anak mo para ang mga darating pa ninyong supling ay mamulat na kayo’y isang pamilyang nagmamahalan.

Dr. Love

ANAK

AYAW

BANAWE

DAPAT

DEAR LOIDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

LOIDA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with