Umaasa pa ring pakakasalan
Dear Dr. Love,
Siguro po, masasabi ninyong isa akong malaking tanga kung hanggang sa ngayon, patuloy pa akong umaasa na pakakasalan ni Julius. Dalawa na po ang aming anak sa apat na taong pagsasama.
Naging sapilitan po ang live-in arrangement namin ni Julius dahil nagbuntis po ako sa minsang overnight stay-in namin sa Tagaytay nang magkaroon doon ng team-building ang call center na pareho naming pinaglilingkuran.
Noong unang malaman ni Julius na buntis ako, ipinalalaglag niya. Sa reaksiyon niyang ito, nakatiyak na akong iresponsable ang lalaking minahal ko ng todo. Pero hindi ko rin po alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya kayang kamuhian o talikuran.
Hindi rin naman po natupad ang arrangement namin. Dahil naging sakitin ang bata, mahina ang pulmon kaya laging naoosÂpital. Pero nasundan po ang pagbubuntis ko. Sa puntong ito ay dinala na niya ako sa bahay ng kanyang mga magulang, dun kami nakiÂtira. Lokong-loko si Julius sa aming pangaÂlawang anak.
Gipit ang buhay namin, dahil pinatigil na niya ako sa trabaho para matutukan ang mga bata. Pero Dr. Love, kuntento po ako dahil magkakasama kami. Nagtitinda-tinda po ako ng kakanin para makadagdag sa panggastos namin. Ganito po ang buhay ko ngayon na inililihim ko sa aking pamilya.
Ang lagi ko lang pong iniisip ay darating din ang panahon na gagawing legal ni Julius ang pagsasama namin at buong-buo niyang maibibigay ang sarili sa akin dahil mahal niya ako. Sa palagay n’yo po ba may pag-asang mangyari ito?
Malimit na itinatanong niya sa akin kung wala pa akong balak na umuwi sa aking pamilya dahil sa nahihirapan na ako sa buhay na ibinigay niya sa akin.
Gumagalang,
Anastacia
Dear Anastacia,
Ikaw lang ang nakakakita sa mga posibleng palatandaan na pakakasalan ka ng iyong ka-live-in. Kung ako sa’yo, bukod sa pagÂkakaroon mo ng pag-asa na darating iyon, lagi mong ipagdasal ang kalooban ni Julius para ang Dios ang kikilos para maselyuhan ng matrimonyo ng kasal ang inyong pagsasama at tunay na maging buo ang inyong pamilya.
DR. LOVE
- Latest