Dahil may tato ng ex…
Dear Dr. Love,
Mayroon po akong nobyo ngayon at kung hindi sana sa isa kong reklamo, desiÂdido na akong magpakasal sa kanya.
Ang tingin ko naman, todo niya akong minamahal at sa aking panig, wala naman akong malaking kapintasan sa kanya matangi sa isang tato sa kaliwa niyang bisig na mayroong rosas at puso; at nakasulat ang pangalan ng dati niyang sweetheart.
Ang pagpapalagay ng tato ay isang kapritso ng dati niyang nobya at ngaÂyon ito ang nagsisilbing ulap sa aming magandang relasyon.
Naniniwala kasi ako na hindi pa naliÂlimutan ni Stephen ang una niyang girlfriend dahil hindi niya ipinaaalis ang tato sa bisig niya.
Ang sabi kasi ni Stephen hindi na niya makakayang ipaalis ang tato nang hindi siya masasaktan.
Hindi ko naman kayang maipilit ito sa kanya dahil base sa mga napagtanungan ko na, mahirap na itong burahin nang hindi mamamaga ang bisig ng nobyo ko at masakit nga daw ito.
Hindi ko kasi matanggap na burado na nga sa isip ni Stephen si Donna kahit dalaÂwang taon na kaming on a relationship.
Isang kapritso na nga lang ba ang pamiÂmilit sa kanya na tanggalin ang tato na tagapagpagunita ng kanyang naunsiyaming pag-ibig?
Payuhan mo po ako Dr. Love. MaraÂming salamat at God bless you always.
Gumagalang,
Aurita
Dear Aurita,
Kung ang tato lang na sinasabi mo ang ipinagseselos at wala naman ginagawang alanganin ang boyfriend mo, gaya ng muling pakikipag-ugnayan sa kanyang ex, walang basehan ang emosyon mo.
Sana huwag mong hayaang wasakin ng kakitiran ang masaya kamong pagsasama ninyo ng iyong boyfriend. Para sa akin, ang tapat na pagmamahal sa isa’t isa ang tanging mahalaga sa anumang pakikipagrelasyon, kaya ito ang dapat ingatan para mapanatili ang maligayang pagsasama.
DR. LOVE
- Latest