Part time Mama
Dear Dr. Love,
Mayroon po akong karelasyon ngaÂyong isang lalaking hiwalay sa asawa na mayroong isang cute na anak na babae, si Chona.
Sa kanilang paghihiwalay na mag-asawa, mayroon silang kasunduan na hati nilang aalagaan si Chona. Ang bata ay nasa pangangalaga ni Adonis bawat kalahati ng taon. Wala pang isang taon ang baby, nagli-live-in na kami kaya napamahal na rin siya sa akin.
Ang naging problema, bagaman may kasunduan ang dating mag-asawa na maghiwalay dahil lagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan sa maraming bagay, nagseselos ngayon ang tunay na nanay ni Chona sa akin. Nagagalit siya kapag tatawagin akong mama ni Chona at siya naman ay mommy.
Inirereklamo rin ni Adela ang pagpo-post ko sa facebook ng larawan naming tatlo ni Adonis kasama ang baby dahil pinagduduldulan ko raw sa publiko na itsaÂpwera na siya sa buhay ng mag-ama. Ayaw ko na sana siyang patulan sa pagseselos niyang ito sa anak pero pinayuhan ako ni Adonis na matatanggap na rin ng kanyang ex-wife ang katotohanan na hiwalay na talaga silang mag-asawa at hindi na ito makakaasa pang babalik siya sa kanya.
Ako po ang nagdamdam ngayon dahil parang pinanigan ni Adonis ang kanyang ex-wife at hindi pa siya ganap na nakaÂhanda sa pagkakaroon namin ng sariling anak.
Masyado pong masalimuot ang pagkakamali kong pumatol at magmahal sa isang kasal nang lalaki. Para ring ipinamumukha niya sa akin na ako’y isang kerida lamang dahil hindi legal ang aming pagsasama. Payuhan mo po ako, Dr. Love.
Gumagalang,
Gina
Dear Gina,
Ang nararamdaman mo ay ang reyalidad ng sitwasyon ninyo ng ka-live in mo. Talagang masakit at walang katiyakan ang lahat. Kaya kung ako sa iyo, habang may panahon pa ay ituwid mo ang iyong pagkakamali. Bakit mo pipiliing maging kerida kung pwede ka naman maging tunay at legal na asawa sa lalaking walang sabit na maaari mong makilala somewhere. Mag-isip-isip ka.
DR. LOVE
- Latest