Takot maulit
Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa iyo ng isang mabiyayang araw pati na sa mga marami mong readers.
Tawagin mo na lang akong Waldo, 27-anyos at bouncer sa isang bahay aliwan.
Hiwalay ako sa asawa. Ang misis ko ay isang GRO na nakilala ko sa aking trabaho. Kasal kami at matapos ang isang taon, iniwanan niya ako at sumama sa ibang lalaki.
May isang taon na kaming separated at balita ko, mayroon na siyang bagong silang na baby.
Ngayon ay muli akong nakadama ng pag-ibig sa isa pa ring GRO rito sa club na pinapasukan ko. Iba akong umibig Dr. Love. Seryoso.
Hindi ako ‘yung tipong gusto lang matikman ang babae. Hindi ko pa nililigawan ang babaeng ito pero nagdadalawang-isip ako dahil baka mangyari muli ang sinapit ko sa aking asawa.
Ano ang gagawin ko?
Waldo
Dear Waldo,
Una sa lahat ay huwag mong kalimutang kasal ka sa asawa mo bagama’t hiwalay kayo.
Bago ka umibig ay ayusin mo muna ang estado mo. Hindi ako karaniwang nagrerekomenda sa diborsyo dahil wala namang diborsyo sa Pilipinas.
Annulment lang ang mayroon tayo baÂgaÂma’t kung moralidad ang pag-uusapan, hindi ako pumapabor dito.
Pero lumagay tayo sa batas ng tao. Upang maging legal ang pagsasama ninyo, dapat siguruhing walang hadlang. Diyan pumapasok ang marital annulment.
At sa pangamba mong baka maulit ang sinapit mo sa naging asawa mo, hindi ako makapagbibigay ng komentaryo riyan dahil GRO man o hindi, may mga nangyayaring ganyang situwasyon.
Dr. Love
- Latest