^

Dr. Love

Puso at isip ang gamitin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang dikit na po ang nangya­yaring pag­kabigo ko sa pag-ibig kaya naman sa pangatlong pagkakataon na nakakaramdam ako ng pagtata­ngi sa isang lalaki ay pilit kong binabalewala dahil sa matinding takot na iwanan lang uli ako pagkatapos ng lahat.

Tinakbuhan po ako ng una kong nobyo nang malamang buntis ako. Dahil sa matinding sama ng loob at pagpapabaya sa sarili, nalaglag po ang bata. Sa pangalawang pagkakataon, nagtiwala uli ako sa mga pangako ng naging boyfriend ko. Pero pareho rin ang naging ending.

Ngayon kinukulit ako ni Allan, kahit ilang beses ko na siyang binasted. Hindi raw siya susuko hanggang sa aminin ko sa aking sarili ang tunay na damdamin ko para sa kanya. Ang sabi niya pa, huwag ko raw siyang ikumpara sa mga unang lala­king nagsamantala lang sa akin.

Natatakot po talaga ako, Dr. Love ayaw ko na pong maranasan uli ang nakakabaliw na pakiramdam na lokohin ka ng taong minahal at pinagkatiwalaan mo.

Sigurado po ako na may namumuo akong feelings para kay Allan pero hindi po kayang daigin ng feelings na ito ang malaking takot ko na mabigo uli sa pag-ibig.

Kung kaya po ang tatanungin ko, dapat ko bang pakinggan ang mga sinasabi ni Allan at pagbuksan uli ang puso ko para magmahal? Ayaw ko na pong masaktan.

Pagpayuhan po ninyo ako, maraming salamat sa column ninyo.

Gumagalang,

Benilda                                                                                         
Dear Benilda,

Ang isang reyalidad na kasama ng pagmamahal ay ang pagkakalantad sa posibleng hapdi na kakambal nito. Ang masasabi ko sa iyo ay huwag mong payagang ikulong ka ng kabiguan mo para balewalain na ang pagkakataon na maging maligaya.

Kailangan mo lang matutunan na kasunod ng pakikinig sa iyong puso ay ang maagap na paggamit ng iyong isip kung tunay ang kalooban sa iyo ng manliligaw mo. Kilalanin mo muna siya ng husto at maging matalino ka na huwag agad ipagkatiwala ang iyong sarili sa kanya.

DR. LOVE


 

 

AKO

AYAW

BENILDA

DAHIL

DALAWANG

DEAR BENILDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with