Hindi pala ikalawang langit
Dear Dr. Love,
Greetings to you, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Selmo. Nang mabiyudo ako sa una kong asawang si Gloria five years ago, ako na ang nagtaguyod sa kaisa-isa naming anak na sampung taon na ngayon.
Nakilala ko ang isa pang babaeng nagpatibok ng puso ko na Gloria rin ang pangalan.WWWW Niligawan ko siya at ang akala ko’y natagpuan ko ang “ikalawang Gloria†sa kanya.
Hindi mo naitatanong, ulirang asawa ang una kong Gloria, masipag at mapagmahal.
Tatlong taon na kaming nagsasama ng aking ikalawang Gloria nang lumitaw ang tunay niyang ugali. Mahilig mag-madÂyong at minamaltrato ang aking anak kapag ako’y nasa opisina.
‘Di ba may kasabihang “ikalawang Gloria na ang ibig sabihin ay bagong kaligayahan? Nagkamali pala ako. Gusto kong hiwalayan ang babaeng ito dahil hindi ko makukunsinti ang ginagawa niya sa kaisa-isa kong anak. Ano ang dapat kong gawin?
Selmo
Dear Selmo,
Kung magagawan ng paraan para masalba ang relasyon ninyong mag-asawa ay gawin mo. Mag-usap kayo at sikaÂping magkasundo.
Kung sadyang wala ng remedyo ay doon pa lang dapat gamitin ang legal na karapatang magpa-annul ng kasal.
Kung magagawa niyang magbago ay huwag mo siyang hiwalayan. Pero kung hindi, go ahead. May matibay na dahilan na pawalang-bisa ang inyong kasal dahil nabibingit sa panganib ang iyong anak.
Dr. Love
- Latest