^

Dr. Love

Buking sa pagka-two timer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Enjoy po ako sa multi-tasking kahit sa office­ work at sa bahay. Kaya naman sinubukan ko kung uubra rin ito sa pag-ibig.

Hindi naman po ako playgirl, ang problema lang, hindi ako maka-decide kaya’t to be safe, pareho kong sinagot sina Marlon at Fernando.

Noong una, excited ako sa dalawang nagmamahal na boyfriend. Parehong maalala­hanin­ at kapwa may mukhang puwedeng iha­rap sa entablado. Pero nang kapwa naging­ demanding na sila, saka ako nasuya. Hindi ko alam kung sino ang sasamahang date dahil pareho kasi silang mahilig sa sosyalan.

Akala ko kapag magkaiba ang school na pinapasukan at magkakalayo ang tirahan, mahirap magkabukuhan basta maingat lang. Pero ang hindi ko alam, mayroon silang common friends na nakakakita na kasama ako sa iba’t ibang magkakahiwalay na pagkakataon. Nabuking ako nang solo akong dumalo sa isang okasyon na kapwa dinaluhan nila dahil ang nag-imbita ay kapwa nila kaibigan.

Pulang-pula ang mukha ko, Dr. Love nang malaman ng tatlo na magkakakilala na kami. Ilang saglit pa ay nagdahilan akong masakit ang ulo at umuwing mag-isa. Noong araw ding iyon ay nagpunta sa bahay sina Marlon at Fernando at humingi ng kumpirmasyon kung pareho ko silang boyfriend.

Naiyak po ako sa kahihiyan. Nang mga oras ding iyon ay na-realize ko kung sino talaga ang mahal ko sa kanilang dalawa. Pero huli na dahil pareho silang nagalit sa akin. Nadala po ako sa pakikipagrelasyon at hanggang ngayon ay loveless pa rin ako.

Payuhan mo po ako kung paano makaka-recover sa pagkapahiyang nangyari sa aking­ buhay. Salamat po at hihintayin ko ang inyong katugunan.

 

Gumagalang,

Nerissa

 

Dear Nerissa,

Just let go of the not so good memories but never left behind the lesson you have from it. Huwag mo hayaang tumigil ang mundo mo dahil sa partikular na karanasan na iyon. Sa halip, gawin mo itong matibay na basehan para mas maging matalino ka sa usaping pampuso. Minsan talaga kailangan magkamali para matutunan ang mahalagang leksiyon sa buhay.                                                                                                                                  

 

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

DEAR NERISSA

DR. LOVE

FERNANDO

GUMAGALANG

MARLON

NOONG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with