^

Dr. Love

Biyuda ibig nang mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

I greet you a very wonderful and pleasant day. I am among your many avid readers of Dr. Love at katulad din ng iba ay may ibig akong ikonsulta sa iyo.

Tawagin mo na lang akong Aida, isang single parent ng limang taong gulang na batang babae.

Kasi po ay nasaksak at napatay ang mister ko may seven months na ang nakalilipas.

Mayroon akong dating boyfriend na naki­pagbalikan sa akin dahil nalaman niyang biyuda na ako.

Ang boyfriend kong ito ang tunay kong mahal kaya lang naman ako napilitang magpa­kasal sa mister ko dahil siya ang gusto ng aking mga magulang.

Masama nga ang loob ko nang ikasal ako sa kanya pero wala na akong nagawa. Ngayon nga’y biyuda na ako at nakipagbalikan ang aking boyfriend.

Kaso ay nagmamadali siyang makasal kami. Hindi na raw uso ngayon ang naghihintay ng babang luksa.

Masama ba kung magpapakasal ako agad kahit hindi pa nakakapagbabang luksa?

Aida

Dear Aida,

Maaaring wala namang legal na hadlang. Pero alalahanin mo naman ang masasabi ng tao lalo na ‘yung mga kamag-anak ng mister mo.

At kahit sa iyong sarili, dapat may paggalang ka rin sa iyong asawa na halos kamamatay lang ay may nag-aabang nang kapalit.

Himukin mo ang boyfriend mo na maghintay nang ilang buwan pa dahil mga Pilipino pa rin tayo na gumagalang sa kultura.

Dr. Love

 

             

vuukle comment

AIDA

DEAR AIDA

DR. LOVE

HIMUKIN

KASI

KASO

MASAMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with