Identical twins
Dear Dr. Love,
Isang pagbati ng pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Jose, 34-anyosÂ. Namatay sa isang aksidente ang aking asawa na may kakambal.
Ang twin sister niya ay biyuda na rin nang limang taon. Magkamukhang-magkamukha sila. Sa ugali, pag-aayos at paÂnaÂÂnamit ay parehung-pareho sila. Ang paÂngalan ng misis ko ay Lucy at siya naman ay Ludy. Kung hindi dahil sa nunal sa baba ng yumao kong asawa ay talagang para silang iisang tao.
Pero ang hipag ko ay walang anak dahil tatlong buwan pa lang silang nagsasama ng kanyang mister ay namatay na ito.
Ang trato ng hipag ko sa mga anak ko ay walang pinag-iba sa aking asawang yumao at iniisip kong ligawan siya.
Kaso ay nag-aalinlangan ako at baka masamain niya ang aking panliligaw. Ewan ko kung bakit pero nangingimi ako.
Sa totoo lang, kahit ang kanyang mga magulang at ibang kapatid ay kinakantiyawan ako na ligawan siya. Tingin ko’y wala namang problema dahil nakikita ko sa kanya ang eksaktong image ng asawa kong namatay.
Pagpayuhan mo nga po ako, Dr. Love. Tama bang ligawan ko siya para maging ikalawang ina ng aking mga anak?
Jose
Dear Jose,
Bakit ka mahihiyang magtapat sa kanya kung mabuti ang intensyon mo? Tanong ko lang, mahal mo ba siya talaga o baka nakiÂkita mo lang sa kanya ang katauhan ng iyong namatay na asawa?
Mahalaga lagi ang elemento ng pag-ibig sa ano mang pagsasama kaya iyan ang bagay na iyong pakatiyakin.
Ang hindi ko lang maseguro ay kung mahal ka rin niya. Pero paano mo malalaman kung hindi ka magtatapat?
Sige na. Ligawan mo na at baka maunaÂhan ka pa ng iba.
Dr. Love
- Latest