^

Dr. Love

Dahil panganay?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagtitinda sa palengke ang hanap-buhay nina itay at inay, ako po ang panganay sa aming limang magkakapatid kaya inaasahan sa mara­ming gawain.

Ang laging bilin ng aming mga magulang ay maging masipag sa pag-aaral para makaahon sa hirap. Pero kahit pa gusto ko pang mag-excel sa aking pag-aaral ay nahihirapan po akong gawin dahil sa maraming gawaing bahay na nakaatang sa aking balikat.

Sa madalas na pagkakataon ay itinatanong ko sa aking sarili kung bakit nasa aking balikat ang palagiang pagtiyak na maayos ang bahay at may lutong pagkain na para sa aming pa­milya bago pumasok sa school at maghanap-buhay.

Naglilinis naman po ang aking mga kapatid pero ang malaking bahagi ng gawain ay nasa akin. Bagaman hindi naman namimiligro ang estado ko sa aking pag-aaral ay apektado pa rin po ng pagod kong katawan ang aking pag-aaral.

Ang sabi ng itay, ako ang role model ng aking­ mga nakababatang kapatid at sa paglaki nila gagayahin din nila ang ginagawa ko.

Pero nauubos ang aking panahon sa pagluluto at paglalaba sa halip na mag-aral ng leksiyon. Wala na po akong panahon para mag-ayos ng sarili at iba pang extra na aktibidad matangi sa pampaaralan at pambahay.

Tama po ba ito, Dr. Love? May lihim po akong manliligaw na nag-aaya nang pakasal para guminhawa naman daw ako. May simpatiya rin ako kay Raul na tulad ko ay tumutulong din sa kanyang pamilya para makaahon sa hirap.

Wala po ba akong karapatang umibig muna, dahil kailangan pa ako ng pamilya? Hihintay ko ang payo ninyo, maraming salamat po.

Gumagalang,

Nanette

 

Dear Nanette,

Ang isang pamilya ay binubuo ng mga ma­gulang at anak. Ang anak na gaya mo ay kaya­manan ng pamilya. Lahat ng masipag ay nakakaramdam ng pagod. Makakabuti kung sasabihin mo sa iyong ina ang tungkol dito at natitiyak kong may paraan siya para mapagaan ang sitwasyon.

Tungkol naman sa nag-aayang pakasal kayo, layuan mo ang lalaking ganyan. Dahil kung tapat na mabuti ang hangad niya ay hindi pambubuyo kundi magagawa niyang harapin bilang respeto ang iyong mga magulang tungkol sa kanyang pakay sa iyo.

Dr. Love

AKING

BAGAMAN

DAHIL

DEAR NANETTE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HIHINTAY

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with