Intimacy sa dating?
Dear Dr. Love,
Katatapos ko lang mag-debut. Nag-proÂmise ako sa boyfriend ko na makikiÂpag-date na ako sa kanya pagka-18 ko at may sense of maturity na.
Lumalabas naman kami ni Bongo pero may chaperon, kundi kapatid kong babae ay isang kaibigan na may ka-date rin. Hanggang holding hands lang kami ng boyfriend ko at kiss sa cheeks kapag paÂalis na siya sa bahay pagkahatid sa akin.
Hanggang 10 o’clock lang kami sa pagÂde-date dahil laging paalala ni mommy, may pasok kinabukasan.
Napapansin ko po na hindi masaya si Bongo sa chaperon date, parang wala raw tiwala sa kanya at sa akin ang parents ko. Wala naman daw masamang mangyayari kung kami lang ang lalabas. MasusuÂbukan pa namin ang control sa sarili, maÂipapakita rin ang tunay naming pagkatao na mapagkakatiwalaan at matured sa mga limitasyon sa pagitan namin.
Sa mga sinabi niyang ito ako nakumÂbinsi kaya pumayag na akong mag-date kami nang walang chaperon. Hindi po ito alam ng parents ko. Manonood daw kami ng sine at pupunta sa bahay nila para ipakilala sa kanyang pamilya.
Pero nang malapit na ang petsa ng usapan namin, gusto kong umurong. Nakakahiya mang sabihin ay wala pa akong karanasan sa date na walang chaperon.
Gusto ko pong itanong Dr. Love kung ano ang limitasyon sa pagkakaroon ng intimacy sa mag-boyfriend? Maraming saÂlamat po.
Edna
Dear Edna,
Sa totoo lang nakakakaba ang tanong mong iyan, lalo pa at hindi pa kayo talaga nakakapagsarili ng iyong boyfriend? Dahil kung ang problema lang ay magde-date kayo na kayo lang…hindi talaga ‘yun problema pero ang gumugulo sa isip mo ay tungkol sa intimacy, ibang usapan na ‘yun.
Ang simpleng kiss na may nakakakita ay ibang level na kapag kayo na lang and this might lead to another level na pwedeng hindi n’yo ma-control. I suggest if you have this feeling na may possibility ito, huwag ka nang sumama sa bahay ng boyfriend mo.
DR. LOVE
- Latest