^

Dr. Love

Nagkaibigan sa FB

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love. Sana’y umabot sa iyo ang sulat ko na nasa mabuti kang kalagayan. May dalawang taon na akong masugid na sumusubaybay sa malaganap mong column.

Tawagin mo na lamang akong Mimi, 19-anyos. May boyfriend ako pero hindi ko pa nakikita ng personal. Kasi po naging friends lang kami sa facebook at nagkakausap kami sa video call.

Taga-Cebu siya at ako’y taga-Malabon. May isang buwan na ang aming relasyon. Nag­babalak siyang lumuwas sa Metro Manila para magkita raw kami ng personal.

Tawagin mo na lang siyang Reuben, guwapo at maginoo, at isa ring college student gaya ko.

Sa personal na opinyon mo, okey ba ang magkaibigan ang babae at lalaki sa social media lang?

Pagpayuhan mo po ako.

Mimi

Dear Mimi,

Hindi okey. Eh kung sa personalan ay mahirap makilala ang isang tao ‘yun pa kayang sa social media lang?

Isipin mo na marami na ang kabataang gaya mo na ipinahamak ng facebook. Mayroon diyang nag-eyeball tapos ni-rape ng lalaki­.

Huwag ka sanang magtiwala kahit kanino na hindi mo pa nakikita ng personal dahil nari­riyan ang iyong ikapapahamak.

Hindi porke’t naguwapuhan ka at nagandahan sa kanyang ugali ay dapat mo nang pagkatiwalaan ang isang tao. It takes time to know anyone at hindi mo puwedeng makilatis ang taong ni hindi mo pa nakikita ng personalan.

Sa edad mong 19-anyos ay hindi ka na bata kaya dapat marunong ka nang magsuri sa mga bagay na binabalak mong gawin.

Dr. Love

DEAR MIMI

DR. LOVE

HUWAG

ISIPIN

METRO MANILA

MIMI

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with