^

Dr. Love

Maipagmamalaki na si bunso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noong una ay hindi ko makita ang kahit kaunting pag-asa na magbabago ang aking kapatid na bunso sa kanyang pagiging pasaway sa pamilya. Pero bago pa tuluyang mawala ang presensiya ng aming mga magulang, nakum­binsi na akong maipagmamalaki na si Jessica.

Nag-aaral pa siya nang unang mabuntis ng kanyang boyfriend, na estudyante rin. Dahil lumalaki na ang kanyang tiyan ay agad nangyari ang kasalan, ang masaklap ay nauwi rin sa hiwalayan.

Naghanap ng trabaho si Jessica at natanggap naman, malaking bagay para sa lumalaki ring pangangailangan ng kanyang anak. Mula sa poder ng aming mga magulang ay bumukod siya, kasama ang anak.

Ok na sana, pero ang bumulaga sa aming lahat ay ang muling paglobo ng kanyang tiyan gayong hiwalay sila ng kanyang asawa. Abut-abot na kahihiyan, na hindi na nakayanan ng aming daddy kaya inatake sa puso. Nawalan pa siya ng trabaho dahil nagsara ang maliit na kumpanya pinapasukan niya.

Kinuha uli siya ni mommy kasama ng kanyang dalawang anak at inako ang lahat ng obli­gasyon. Laging sinasabi ni mommy na bigyan ng pagkakataon ang aming kapatid na matuto sa kanyang pagkakamali. Ito nga rin ang na­ging huling mensahe niya sa aming magkakapatid dahil natututo na rin daw si Jessica sa mga na­ging maling desisyon niya sa kanyang buhay, kaya maipagmamalaki na namin siya.

Salamat sa pagkakataon na mailathala ang aking liham, sana ay may natutunan po ang inyong readers dito.

Gumagalang,

Nilda

Dear Nilda,

Kaya marahil mainam ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nagkakamali, para mula dito ay makita nila ang pagkakaiba nito sa tama at piliin ito para mabago ang magulong buhay. Ito ang mahalagang aral sa naging karanasan ng iyong kapatid at salamat sa pagtitiwala ng inyong mommy dahil nabigyan siya ng sapat na pagkakataon para maituwid ang kanyang mga pagkakamali.

Natitiyak kong magandang leksiyon ang nakuha ng ating readers sa iyong letter. Salamat din sa pagtitiwala mo sa PSN Dr. Love column.

DR. LOVE

           

AMING

DAHIL

DEAR NILDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

JESSICA

KANYANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with