^

Dr. Love

Huwag isuko ang ‘Bataan’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa totoo lang, first time kong mabasa ang iyong column at na-attract agad ako na sumulat sa iyo para ikonsulta ang aking love problem.

Tawagin mo na lang akong Lucille, 23-anyos at isang registered nurse na nagtatrabaho sa isang pagamutan.

Mahirap lang kami at iginapang lang ako ng mga magulang ko para makapag-aral. Cons­truction worker ang tatay ko at si inay ay tindera ng gulay sa palengke.

Sa ospital ko nakilala si Rannie, isang doktor na general practitioner. Niligawan niya ako. Guwapo siya at maginoo at medyo naaakit na ako sa kanya.

Pero may warning sa akin ang mga kasamahan ko sa ospital. Playboy daw si Rannie at marami nang pinaiyak na tuluyang nag-resign sa ospital matapos makuha ni Rannie ang gusto sa kanila.

Ano ang gagawin ko, Dr. Love?

Lucille

Dear Lucille,

Kaya naman pala sila umiyak ay isinuko nila kay Doc ang kanilang pagkababae.

Mabuti at na-warningan ka ng mga kasamahan mo. Pero may warning o wala, hindi dapat ibinibigay ng dalaga ang pagkababae sa kasintahan. Sa lalaki, koronang maipagmamalaki iyan. Sa babae, malaking kawalan.

Laging lugi ang babae sa ganyang labanan lalo pa’t kung magbubunga ang kapusukan.

Ang maipapayo ko sa iyo ay mag-ingat ka lang at kung magkarelasyon ka man sa doktor playboy na iyan, huwag mong isusuko ang “Bataan.”

Dr. Love

ANO

DEAR LUCILLE

DR. LOVE

GUWAPO

KAYA

LAGING

PERO

RANNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with