^

Dr. Love

Mag-isa na lang ngayong Pasko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit 30 taon na buhay may asawa, ngayong taon lang hindi ko gugugulin ang pagdiriwang ng Pasko sa piling ng aking maybahay. Kapa­panaw lang ni Lorraine apat na buwan lang ang nakalilipas.

Lumiham po ako sa inyo Dr. Love, hindi para ilahad ang aking sad story kundi para itanong kung hindi lalabas na pangit ang aking­ asal kapag tinanggihan ko lahat ng paanyaya ng mga kamag-anak namin na mag-noche Buena sa kani-kanilang bahay, na dati ay sa aming tahanan ginagawa.

Mistulang nagrerebelde po ang aking ka­looban, na huwag na lang ipagdiwang ang Pasko, maging ang Bagong Taon kasama ang sino man. Gusto ko po ay ako na lang mag-isa ang sasalubong sa kapanganakan ni Hesus at idadalangin ko na sana ay kunin na rin Niya ako para magkapiling na kami ng aking asawa sa langit.

Alam ko po na hindi dapat ganito ang takbo ng aking isip, patawarin nawa ako ng Diyos.

Payuhan mo po ako Dr. Love kung paano ko uli matatanggap na magsaya sa mga espes­yal na okasyon ngayong wala na ang pinakamamahal kong kabiyak?

Isa pong maagang pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Gumagalang,

Abelardo

Dear Mang Abelardo,

Kung mahal mo ang iyong maybahay, hindi mo dapat sirain ang nasimulan niyang tradisyon­ ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa inyong tahanan kasama ang inyong mga mahal­ sa buhay.

Sa palagay ko, hindi natin dapat kuwestiyunin ang kapalarang itinadhana ng Pangi­noon para sa maybahay mo at maging sa kanino man. Tanging Diyos lang ang nakaka­alam kung kailan niya tayo tatawagin mula sa mundo. Sikapin mo na maging normal ang iyong buhay kahit wala na ang iyong asawa. Dahil natitiyak ko na hindi niya gugustuhin na makita kang malungkot, lalo na sa okasyong mahalaga para sa kanya.

Merry Christmas and Happy New Year.

DR. LOVE      

 

vuukle comment

BAGONG TAON

DEAR MANG ABELARDO

DR. LOVE

MALIGAYANG PASKO

MANIGONG BAGONG TAON

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with