^

Dr. Love

Mr. Lonely

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang Pasko sa iyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Dr. Love. Kahit na dinaanan tayo ng delubyo sana’y huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Tawagin mo na lang akong Mr. Lonely. Isa akong dating bilanggo na kalalaya lamang may mahigit isang taon na rin ang nakararaan. Halos limang taon din akong nagdusa.

Hindi ko alam noon kung magagalak ako sa aking paglaya. Kasi wala na akong dinatnang pamilya. Ang asawa ko at kaisa-isang anak ay iniwanan ako at sumama sa iba.

Nagpakatatag ako. Sa awa ng Panginoon ako’y nakapagtrabaho sa isang furniture shop dahil sa isang kakayahang natutuhan ko sa loob. Magaling akong umukit at nakagagawa ng mga antigong muwebles.

Hindi ko na inisip ang aking pamilya at ibinuhos ko na lang sa pagtatrabaho ang mga oras ko. Wala na rin akong kamag-anak na madudulugan kaya umupa na lang ako ng isang maliit na kuwarto sa halagang P1 libo kada buwan. Nawala na rin ang interes ko na manligaw pa ng ibang babae.

Masaya na ako sa ganoong kalagayan nang dumating bigla ang misis ko. Ikinuwento niya na namatay sa dengue ang aming anak dalawang taon na ang nakararaan at iniwanan na niya ang lalaking sinamahan niya dahil pinagbubuhatan siya ng kamay. Nakikipagbalikan siya sa akin. Sabi ko pag-iisipan kong mabuti. Masakit pa rin kasi ang iniwanan niyang sugat sa akin. Kaya kailangan ko ang payo mo ngayon.

Dapat pa ba akong makipagbalikan?

Mr. Lonely

Dear Mr. Lonely,

Alam mo, laging maganda ang gawang magpatawad. Mahalagang patawarin natin ang sino mang nagkasala sa atin para maglubag na nang tuluyan ang bigat na pinapasan.

Tayo man ay makasalanan pero inialay ng Ama ang Kanyang Anak para ang lahat ng manalig at tumanggap sa Kanya ay magtamo ng walang hanggang buhay.

Iyan ang diwa ng Paskong ipinagdiriwang natin sa mga panahong ito.

Bago tayo mapatawad ng Diyos sa ating mga pagkakasala, kailangan din na matuto tayong­ magpatawad sa mga nagkasala sa atin.

Idinadalangin kong bigyan ka ng kalakasan at grasya ng Diyos para madali mong maigawad ang kapatawaran sa iyong asawa.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKO

AKONG

ALAM

DAPAT

DIYOS

DR. LOVE

KANYANG ANAK

MASAYANG PASKO

MR. LONELY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with