^

Dr. Love

Dapat bang matukso?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hayaan mong ako ang unang bumati sa iyo ng advance Merry Christmas. Sana ay sumainyo ang buong pagpapala ng Pangi­noong Diyos.

Tawagin mo na lang akong Lory, 30-an­yos at isang secretary sa isang maliit na kumpanya­. Mag-isa akong bumubuhay sa kaisa-isa kong anak simula nang mamatay ang aking­ asawa may 5 buwan na ang nakakaraan.

Mahirap pala ang single parent, Dr. Love. Umuupa lang kami ng apartment na P5 libo kada buwan at ang suweldo kong 20-libong piso isang buwan ay kulang na kulang. Iniintindi mo ang bayad sa tubig at ilaw na umaabot kung minsan ng mahigit P2 libo.

Mabuti na lang at mabait ang aking mga in-laws na nagbibigay sa amin ng P5 libo bawat buwan. Tulong daw nila sa apo nila. Nakatutulong din dahil nako-cover na ang bayad sa upa ng bahay.

Pero kailangan pa ring magtipid. May gusto sa akin ang aking boss at inaalok ako na mag-live-in kami. Pero may asawa siya at ayaw kong maging home breaker.

Kaso nakakatukso ang alok niya dahil  magiging maluwag ang buhay naming mag-ina sa kanya. Dapat ba akong matukso, Dr. Love?

Lory

Dear Lory,

Maski papaano’y matiwasay pa naman kayong nakararaos sa tulong ng iyong mga biyenan. Mahal ka nila kaya huwag mong gagawin ang bagay na makakasugat sa kanila. Kahit patay na ang anak nila ay para mong dinungisan ang kanyang dangal sa pagsama sa lalaking may pananagutan na.

Isa pa, halos kamamatay lang ng asawa mo at ‘di ka pa nakapagbababang luksa. Kung hahanap ka ng bagong kapareha ay tiyakin mong walang asawa at kayo’y magpakasal para ang lahat ay nasa ayos. Ngunit bago mo gawin iyan, magpalipas ka pa ng panahon dahil limang buwan pa lang sapul nang mamatay ang mister mo.

Dr. Love

DAPAT

DEAR LORY

DIYOS

DR. LOVE

HAYAAN

INIINTINDI

MERRY CHRISTMAS

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with