^

Dr. Love

Ayaw mag-apon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lubhang nanghihinayang ako sa dapat sana’y katuparan na ng paghahanap ko ng isang perfect partner dahil compatible kami sa halos lahat ng bagay.

Perfect gentleman si Rod at kung siya ang magiging kapalaran kong maging katuwang sa buhay, natitiyak kong magiging maligaya kami pareho sa buhay may-asawa.

Ang tanging hindi namin pinagkasunduan ay ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Ma­ labu-labo na kasi akong magbuntis dahil ma­la­pit na akong mag-40-anyos, 48 naman si Rod.

Isa pa, pinayuhan ako ng aking OB Gyne­cologist na iwasan ang magbuntis dahil ma­aaring malagay sa peligro ang aking buhay. Ang solusyon sana sa pagnanais na­ming mag­kaanak ay adoption. Pero mahigpit itong tinutulan ni Rod.

Hindi kasi naging maganda ang kara­nasan ng kanilang ina sa pag-aampon. At ang gusto niyang anak ay galing talaga sa dugo ng kanilang angkan.

Masyado raw negatibo ang aking pananaw at hindi ako marunong makipagsapalaran sa buhay. Sinabi kong hindi ko kayang­ isugal­ ang aking kaligtasan para mabigyan siya ng anak.

Pinalaya ko si Rod sa aming kasunduan bagaman nagdurugo ang aking puso. Basehan po ba ito para masabing hindi niya talaga ako mahal?

Gumagalang,

Irene

Dear Irene,

Para sa partner na tunay na nagmamahalan, ang anumang kakulangan ay hindi nagiging problema. Dahil sa halip na maghanapan, pinu­punan nilang dalawa ang bawat isa.

Magpalamig muna kayo pareho ni Rod, dahil maaaring dulot lang ng inyong komprontasyon ang naging desisyon ninyo. Kapag pa­reho na kayong kalma, subukan mo uli siyang ka­usapin at ipaliwanag ang peligrong maidu­dulot sa iyo ng pagbubuntis.

Kung magiging matigas pa rin siyang ipilit na magbuntis ka, mag-isip-isip ka na dahil maaaring tama ang pakiwari mong hindi mahalaga sa kanya ang kapakanan mo.

DR. LOVE

BASEHAN

DAHIL

DEAR IRENE

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with