^

Dr. Love

Sawa nang maghintay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagkaraan ng dalawampu’t dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, nagpasya na akong tuluyan nang makipaghiwalay kay Frankie. Hindi ko na kayang maghintay sa kanyang pagbabago. Sa kanyang ugaling hindi sisipot sa aming mag-iina ng ilang taon kung mayroong bagong kinakasama.

Umuuwi lang siya kung minsan pagkaraan ng isa o dalawang taon kung mayroong kinalolokohang iba. Ilang ulit ko na po siyang inunawa, Dr. Love dahil sa sinasabi niyang kahinaan sa babae.

Kung noong una, takot akong mag-isang bumalikat ng responsibilidad sa pagpapalaki at pagtataguyod sa aming dalawang anak, ngayon po ay hindi na. Sinuwerte naman ako sa aking itinayong parlor at boutique.

Sa pinakahuli niyang pag-abandona sa amin, hindi ko na siya tinanggap nang magbalik siya pagkaraan ng dalawang taon. Sawa na po ako sa paghihintay, sawa na ako sa kanyang alibi. Hindi naman siya hinahanap ng aming mga anak na ngayon ay kapwa nasa kolehiyo na.

Dalawampu’t isang taon ako nang ikasal kay Frankie na noon ay dalawampu’t limang taong gulang na. Bagaman niligawan naman niya ako noon nang matagal, damdam ko pinakasalan lang niya ako dahil noon ay nagdadalan-tao na ako sa aming panganay.

Bahala siya kung magbibigay ng sustento sa aming anak o hindi. Tutal, hindi rin naman siya regular na nagbibigay ng allowance sa kanila. Kaya ko na ang buhay na walang asawa. Sana po sa naging desisyon kong ito maging mapayapa na nga ang aking isip at kalooban.

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-daan sa liham kong ito.

Gumagalang,

Nanette

Dear Nanette,

Minsan pa saliksikin mo ang iyong kalooban, baka kahit katiting ay may kaunting puwang pa na natitira para mapatawad mo ang iyong pa­saway na asawa. Kahit alang-alang na lamang sa pagkakaroon ng buong pamilya para sa inyong mga anak.

Sikapin mo muna na makapag-usap kayo ng sarilinan ay masabi mo lahat ng niloob mo at ang mga balak mong gawin kaugnay sa nangyayari sa inyong relasyon. Higit sa lahat kung ano ang pananaw ng inyong mga anak kaugnay dito.

Hindi kasi lahat ng bagay na tinalikuran na ay maaari mo pang balikan, kaya pinakamabuti na matiyak mo sa iyong sarili ang desisyong bibitawan.

DR. LOVE

 

AKO

BAGAMAN

BAHALA

DALAWAMPU

DEAR NANETTE

DR. LOVE

FRANKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with