^

Dr. Love

Harapin ang katotohanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Please, huwag mo nang babanggitin ang tunay na pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Margot.

Buntis ako ngayon sa isang lalaking may pananagutan na. Dalawang buwan na ang aking­ dinadala.

Ang kasintahan kong may asawa ay taga-Tacloban, Leyte. Naninirahan na silang mag-asawa rito sa Maynila pero bago maganap ang delubyo roon ay umuwi siya ng probinsya at hanggang ngayo’y wala na akong balita sa kanya.

Nangangamba ako na baka kabilang siya sa mga namatay dahil sa malaking pagbaha.

Hindi ko mabanggit ang kanyang pangalan dahil mai-eskandalo siya at kung sakaling wala na siya, hindi siya mag-iiwan ng ma­buting ala-ala sa kanyang pamilya.

Pero gusto ko lang sabihin na napakasakit para sa akin ng nangyari lalo pa’y hindi ko batid kung buhay pa siya o wala na. Hindi ko per­sonal na kakilala ang kanyang misis pero ayaw ko nang tuntunin pa siya dahil baka magkaroon ng eskandalo.

Ngayon ako nagsisisi sa aking ginawa. Walang magsusustento sa aking magiging anak at hindi alam ng mga magulang kong nasa La Union ang kalagayan ko. Ano ang gagawin ko?

Margot

Dear Margot,

Sana nama’y buhay pa ang lalaking ‘yun na dapat managot sa baby mo. Pero kung sakaling hindi siya pinalad mabuhay, wala kang magagawa maliban sa, una – ipagtapat mo sa mga magulang mo ang iyong kalagayan.

Kung ako ang ama mo, natural lang na magalit ako pero pasasaan ba at hindi huhupa ang galit.

Pangalawa, isilang mo ang anak mo at arugain­. Walang kasalanan ang baby sa kasa­lanan mo.

‘Yun lang ang maipapayo ko sa iyo Margot.

Dr. Love

DEAR MARGOT

DR. LOVE

LA UNION

MARGOT

PERO

SIYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with