In love sa bestfriend ng ex-bf
Dear Dr. Love,
Bakit po kaya ngayong natagpuan ko na ang lalaking pangarap kong maging boyfriend, saka ako dumaranas ng pagkadismaya?
Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan matapos magkabistuhan na type ko siya gaÂyong dati naman kaming close friend ni Kit.
Si Kit ay barkada ng aking ex at nang magkalas kami ng relasyon ni Thelmo, si Kit pa ang siyang umaalo sa akin at boluntaryong namaÂgitan sa aming dalawa para kami ay magkabati at manumbalik ang dating sweetness ng aming pagtitinginan.
Sa aming pag-uusap noon ni Kit, tinanong niya kung mayroon pang tsansang magkabalikan kami ng kanyang kaibigan. Sa kabiglaÂanan, nasabi ko tuloy ang tunay na nasa puso ko. Na wala na akong amor kay Thelmo dahil siya (Kit) ang mahal ko.
Hindi ko akalain na maipagtatapat ko sa kanya ang niloloob ko. Hindi agad nakapagsalita si Kit at tinanong kung nagbibiro ako.
Lantaran na rin lang, sinabi ko na totoo ang sinabi ko dangan nga lang kako, hindi siya nakakahalata.
Sorry anya, pero hindi niya magagawang manulot ng siyota ng isang matalik na kaibigan. At bago siya umalis, sinabi niyang mahal talaga ako ni Thelmo. Iniyakan ko po nang sobra ang nangyaring ito. Nilayuan na ako ni Kit at kahit anong tawag ko sa kanya, ayaw niya akong kausapin.
Hindi naman niya sinabing wala siyang damdamin para sa akin at ito ang pilit kong iniaalo sa sarili. Umaasa pa rin ako na sa kalaunan, kapag nagkalimutan na ang isyu sa aming break-up ni Thelmo, babalikan ako ni Kit.
Dapat pa ba akong umasa, Dr. Love? Mayroon ba akong puwang sa puso ng bestfriend ng aking ex-boyfriend?
Gumagalang,
Joy
Dear Joy,
Sa pagkakasalaysay mo, nakapagdesisÂyon na si Kit. Hindi siya ang tipong manunulot ng girlfriend, lalo na ng kanyang bestfriend. Kaya pinakamabuti na ibaling mo ang atenÂsiyon sa iba.
Dr. Love
- Latest