^

Dr. Love

Namroblema sa ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago pa lang kaming kasal ni Tommy at bago rin kaming lipat sa bahay na hinulugan namin nang boluntaryong magsabi ang aking biyanang babae  na sa amin siya titira.

Natuwa ako dahil may tatao kako sa bahay namin kasama ang aming bagong kuhang kasambahay na hinanap para sa amin ng aking ina mula sa Cagayan de Oro.

Wala pang 20-anyos ang maid namin kaya kailangang turuan pa ng maraming bagay mula labada hanggang sa pagluluto. Pero okey lang dahil ang mahalaga ay kampante kami ni Tommy kahit makauwi ng late.

Ang naging problema, naaatrasado ang trabaho ng aming kasambahay gaya ng pagluluto ng pagkain dahil madalas siyang napapatutok sa mga request ng aking biyanan.

Minsan ay halos magkasunuran lang kaming nakauwi ng bahay, maghapon palang nanood ng sine ang mommy ni Tommy kasama si Mely. Tuloy, hindi nakaluto ng pagkain. Okey lang sa akin ito pero hindi sa aking asawa. Kaya kina­usap niya ang kanyang ina.

Nagiging problema rin kapag inaatake ng migraine ang mommy niya, dahil pirming nagpapamasahe na lang ng ulo ang biyanan ko kay Mely. Hindi na naaasikaso ang mga gawain sa bahay.

Hindi ko na pinararating sa aking asawa ang iba pang kapritso ng kanyang ina. Pero hindi na nakapagpigil na makapagsalita si Tommy nang magpaalam ang kanyang mommy na lili­pat sa panganay na kapatid dahil mahihirapan nang maka­tulog sa tuwing iiyak ang baby kapag nakapa­nganak na ako.

Nalaman ng mama ko ang mga nangyari kaya siya raw ang tutulong sa akin hanggang lumakas ako at pwede nang maipagkatiwala sa yaya ang baby. Hiyang-hiya si Tommy sa inasal ng kanyang mommy at sinabing hindi na ito makakabalik. Dapat ko ba itong ayunan?

Gumagalang,

Connie

Dear Connie,

Dismayado lang masyado ang asawa mo sa kanyang ina, sa ngayon. Lilipas din ito at magbabago ang isip niya. Kaya huwag mo itong ipag-alala. Sikapin mo na laging positibo ang lahat para mas maging magaan ang pagbubuntis mo hanggang sa makapanganak ka. Isang malusog na sangol ang dalangin naming lahat dito sa Dr. Love para sa inyong mag-asawa.

DR. LOVE

DAPAT

DEAR CONNIE

DISMAYADO

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MELY

PERO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with