^

Dr. Love

Kapitbahay ang ex-gf ni mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po alam kung mayroon ba akong dapat na problemahin sa pagiging magkapitbahay namin ng ex-girlfriend ng aking asawa.

Minsan karga ng aking asawa ang aming baby sa tapat ng gate ng aking mga biyanan, kung saan kami nakatira ngayon at parang sasabog ang dibdib ko nang magtawanan sila at hinawakan pa ang aming baby. Selos na selos po ako, na para bang ang ipinapahiwatig ay kung nagkatuluyan sila ay mayroon sanang guwapong baby gaya nang sa amin.

Bago pa kami ikasal ni Danilo ay alam kong na­ging karelasyon niya ang aming kapitbahay. Hindi sila nagtagal dahil hindi talaga sila compatible sa isa’t isa.

Ang pagseselos ko ay nag-udyok sa akin para banggitin uli sa aking asawa na bumukod na kami. Ipinagtaka po ni Danilo ito dahil napag-usapan na anya namin ang tungkol doon, na mag-iipon muna kami para sa aming dream house.

Dr. Love hindi ko naman po masabi sa aking asawa na nagseselos ako dahil kapitbahay namin ang dati niyang girlfriend, na napakaganda kumpara sa akin na isang plain Jean lang. Bagaman matangkad po ako at matalino dahil pareho kaming CPA graduate ng aking asawa ay ikinayayamot ko ang presensiya ng ex-girlfriend niya sa aming paligid.

Ano po ang gagawin ko? Alam ko namang mabuting asawa si Danilo at responsable bilang asawa at ama. 

Maraming salamat po at more power to your column.

Shasha

Dear Shasha,

Kahit gaano pa kaganda ang tinutukoy mong ex-girlfriend ng iyong asawa, no match pa rin itong maituturing sa iyong mga katangian na siyang pinili ng asawa mo.

Isipin mo na lang, kung ang kagandahan ng ex-girlfriend niya ang nakahihigit sa kanya, pakakasalan ka ba niya? Ikaw ang pinaglaanan niya ng singsing ng pagmamahal at piniling makasama sa buhay at maging ina ng kanyang magiging mga anak, kaya ipanatag mo ang iyong kalooban.

Isa pa, taglay ng inyong pamilya ang matibay na bigkis ng pagsasama, ang inyong anak na living testimony ng pagmamahalan ninyo sa isa’t isa. Lagi mo sanang isipin ‘yan kapag nakakaramdam ka na naman ng kakaiba tungkol sa ex ng iyong asawa.

Pero mas maganda kung tuluyan mo nang matatanggal sa iyong dibdib ang hindi magandang pakiramdam, mabuting asawa ang mister mo, ayon na rin sa salaysay mo.

Ang ex ay nakalipas na, ikaw ang kasalukuyan at makakasama habang buhay ng iyong asawa. Ito ang pinakamahalaga sa lahat.

Ang kaligayahan at kapayapaan ng pamilya ang dalangin namin dito sa Dr. Love para sa inyong mag-asawa. God bless you both.

Dr. Love

AKING

ALAM

ANO

ASAWA

BAGAMAN

DANILO

DEAR SHASHA

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with