Sinisisi ang sarili
Dear Dr. Love,
Nandito po ako ngayon sa ating bansa sa pagsisikap na makalimot sa mapait na karaÂnasan ko.
Namatay po ang panganay kong anak at naging napakalaking trahedya po nito para sa akin, na nagdulot din para makunan ako sa pangatlo ko sanang baby.
Si Kenneth ay isa sa dalawang anak namin ni Kieth, isang banyaga na napangasawa ko noong nag-aaral pa lang ako ng medisina. May kaya siya dahil bukod sa inuÂupahang apartment at bayaran na katulong ay sinagot din niya ang pag-aaral ko. Nga lang, hindi na medisina kundi medical technology.
Nakilala ko siya ng lubos nang iuwi niya ako sa kanilang bansa. Hindi ko po maÂtagalan ang kanilang kulturang Buddhist na magkaroon ng iba pang asawa. Naging ugat din po ito nang madalas naming pag-aaway at pananakit niya sa akin. Kaya sinikap kong makapagtrabaho sa ibang bansa. Iniwan ko muna sa aking biyanan ang dalawa naming anak.
Pinalad naman akong makapagtrabaho sa Europe. Nagpakasal ako doon sa isang Aleman para makuha ang dalawa kong anak na inampon na ng aking napangasawa.
Nasa 14 edad na ang aking panganay nang patigilin ko sa pag-i-school service para makatipid. Ang masaklap, naging mitsa ito ng kanyang buhay. Nabundol siya at namatay. Dahil sa nangyari ay nakunan ako.
Sinisisi ko po ang sarili ko, Dr. Love sa mga nangyari. Pinarurusahan po ba ako ng Dios dahil sa kagustuhan ko na makapag-asawa ng foreigner?
Gumagalang,
Lonely Heart
Dear Lonely Heart,
Huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil ang aksidente kailan man ay hindi natin kontroÂlado. Tatagan mo ang sarili at pilitin na ma lampasan ang malungkot na bahagi ng buhay mo, may anak ka pa na nangangailaÂngan ng presensiya mo. Kasama mo ang pitak na ito sa panalangin para makamit ang kapayapaan ng iyong kalooban.
Dr. Love
- Latest