49-anyos at mainit pa
Dear Dr. Love,
My warmest greetings to you. Tawagin mo na lang akong Isagani, dating OFW na nagtrabaho sa Brunei.
Sa awa ng Diyos, bumuti ang kalagayan ng aking pamilya at nakapagpundar ako ng negosyo. Sa ngayon ay 49-anyos na ako at ang aking asawa ay 45. Wala na kaming problema sa dalawang anak namin na kapwa nakapirmi na sa Amerika kasama ang sarili nilang pamilya.
Kung tutuusin, dalawa na lang kami sa bahay kasama ang isang katulong. Inaaasahan ko na sa ganitong kalagayan ay lalong magiging romantic ang aming relasyon pero hindi. NaÂwalan na ng hilig sa pagtatalik ang misis ko pero ako’y may init pa.
Mahigit isang taon na kaming hindi nagtatalik dahil ako na ang kusang sumuko. Kasi, tuwing mangangalabit ako ay ayaw niya at nagagalit.
Mauunawaan kaya ng Diyos kung ako’y humanap ng ibang kandungan? Hindi ko naman siya hihiwalayan kundi kukuha lang ako ng babaeng makakatugon sa aking pangangailangan.
Isagani
Dear Isagani,
Mabait ang Diyos pero hindi kunsintidor. Una wain mo na lang ang iyong misis at baka nasa menopausal stage na siya. Iba-iba ang sintomas ng pagiging menopause.
May ibang babae na nagiging palahanap pero nagkataon na ang misis mo ay kabalikÂtaran.
Ang pag-ibig naman ay hindi lang puro sex. Kumbaga sa batang lumalaki, may mga bagay tayong kinalalakihan na dapat nang isaisantabi.
Dr. Love
- Latest