^

Dr. Love

Kabayanihan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang ibig sumulat sa iyo dahil sa isang simpleng problema sa puso.

Tawagin mo na lang akong Sylvia, 19 going 20 sa December.

Mayroon akong masugid na manliligaw na matiyagang nanunuyo sa akin sa nakalipas na limang buwan. Mayroon akong boyfriend kaya hindi ko siya masagot. Mahal ko rin naman ang boyfriend  ko kahit kung minsan ay may hindi magandang ugali.

Nagbago ang pagtingin ko sa manliligaw ko nang masaksihan ko ang isang hindi inaasahang pangyayari.

Minsan ay nakasakay ako sa jeepney nang may nakita akong batang nabundol ng isa pang jeep pero hindi hinintuan. Pinagtinginan lang ng tao ang kawawang bata.

Kasunod nito, kitang-kita ko na may la­laking naglalakad na sumugod sa naaksidenteng bata na kahit duguan ay kinarga niya at isinakay ng taxi. Ang manliligaw ko pala ang lalaking yaon.

Mula noon ay hinangaan ko na siya. May dalawang linggo na nang mangyari yaon pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Pero sa katunayan, ramdam kong napamahal siya sa akin sa nakita kong pagkabayani niya.

Dapat ko na ba siyang sagutin?

Sylvia

Dear Sylvia,

Pag-aralan mo rin ang damdamin mo at baka paghanga lang ang nararamdaman mo sa ngayon. Get to know the guy more at kapag tiyak mo na, na mahal mo siya talaga ay saka  mo siya tanggapin.

Pero bago iyan, makipag-break ka muna sa kasalukuyang boyfriend mo.

Dr. Love

 

DAPAT

DEAR SYLVIA

DR. LOVE

KASUNOD

MATAGAL

MAYROON

MINSAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with