Baby maker
Dear Dr. Love,
Kumusta ka Dr. Love? Hindi na ako magpapaliguy-ligoy sa ikukonsulta ko sa iyo.
Tawagin mo na lang akong Marie, 40-anÂyos. Sa loob ng walong taong pagsasama naming mag-asawa ay hindi kami nabiyayaan ng anak. Marahil dahil late na kaming nag-asawa kung kaya nagkaganoon.
Gustung-gusto na naming magka-anak pero ayaw naman ng asawa ko na mag-ampon kami.
Mayroon kaming kasambahay na 25-anyos na dating may ka-live-in. May hitsura naman siya at ang lagi niyang sinasabi sa amin ay gusto niyang hanguin sa kahirapan ang kanyang mga magulang sa probinsya.
Bigla akong nagka-ideya at sinabi ko sa mister ko na ano kaya kung gawin naming baby maker ang aming kasambahay? Aalukin namin siya ng kahit P100 libo para magsilbi siyang “baby maker.†Nung una’y tumanggi siya pero parang nahihiwatigan kong parang gusto na niya ang mungkahi ko. Nang sabihin ko ito sa kasambahay namin ay medyo nag-isip siya pero aniya, sa praktikal na dahilan ay papayag siya.
May moral issue ba kung gagawin namin ito? Kasalanan ba ito sa Diyos?
Marie
Dear Marie,
Oo kasalanan iyan dahil katumbas ng pangaÂÂngalunya. Sa buhay natin, kailangan na laging ang Diyos ang nangunguna sa ating puso at kaisipan.
Ano man ang ganda ng layunin natin kung ito’y aabutin natin sa paraang tayo’y magkakasala, kalimutan natin ito.
Walang masama sa pag-aampon. Iyan ang pinakamabuting paraan para matupad ang pangarap ng mga mag-asawang hindi biniyaÂyaan ng tunay na anak.
Sikapin mo na kumbinsihin ang mister mo na mag-ampon na lang.
Dr. Love
- Latest