^

Dr. Love

Ayaw ng kabit lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Alam ko po na may asawang imbalido ang lover kong si Mando pero tinanggap ko pa rin siyang maging karelasyon. Tulad ni Mando, gusto ko ring mayroong nagmamahal at nagbibigay ng atensiyon sa akin kahit panakaw-nakaw lang. Nang-aamot lang ako ng romansa dahil mayroon siyang tunay na asawa, bagaman bed-ridden nga at walang kakayahang paligayahin siya. Sa arrangement na ito, maligaya na ako noon.

Mapagmahal si Mando at mabait. Sinusuklian ko naman ito ng pag-aalaga sa kanya at katapatan.

Pero ang ganito palang sitwasyon, ang pagiging isa lang kabit ay pinagsasawaan rin dahil unang-una, wala akong seguridad sa aking katayuan bilang partner ni Mando at aaminin ko na rin na gusto kong walang kaagaw sa pagmamahal niya.

Sinabi ko na kay Mando na magkalas na kami dahil kung magpapatuloy kami ng relasyon, gusto kong gawing legal ang aming pagsasama at hindi ko naman makakayang agawin si Mando sa kanyang asawa na maysakit dahil takot ako sa karma.

Pero ayaw pumayag ni Mando na maglimutan na kami dahil mahal na mahal niya ako. Hindi ko naman masabi kay Mando na matagal pa ang ipaghihintay ko para mapakasalan niya. Hindi rin naman makaya ni Mando na hiwalayan ang asawa dahil sa karamdaman nito.

Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Rosy

Dear Rosy,

Sa simula pa lang ng pakikipagrelasyon­ mo sa lalaking may asawa, alam mo na mali ito. Pero hinayaan mong mangyari ang bawal na relasyon. At ngayon sinasabi mo na ayaw mo ng kaagaw?

Gusto mo nang makipaghiwalay dahil wala ka kamong seguridad sa inyong relasyon, pero ayaw ng kinakasama mo at takot ka sa karma… puwes ikaw ang lumayo. Simulan mo ang pagtatama sa inumpisahan mong baluktot. Ganon lang kasimple ang sagot sa problema mo.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DAHIL

DEAR ROSY

DR. LOVE

GANON

GUMAGALANG

MANDO

MAPAGMAHAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with