^

Dr. Love

Wala pa ring boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa edad na 25 taon, wala pa po akong boyfriend at nakakahiya mang sabihin, parang walang lalaking makatipo sa akin. Ang sa tingin­ kong dahilan ay dahil hindi ako maganda.

Ang sabi naman ng best friend ko, alisin ko lang ang pagiging kimi at mahiyain, marami akong magiging kaibigang lalaki. Marami anya ang nagsasabing latoy akong kausap at naaasiwa silang lumapit at makipagkilala dahil sa hindi ako marunong makihalubilo sa tao kaya napagkakamalang suplada.

Paano po kaya ang dapat kong gawin para matutunan kong magkaroon ng tiwala sa sarili? Lagi kasi akong duda na walang may gustong makipag-usap sa akin matangi sa malapit kong kaibigang si Tina.

Payuhan mo po ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Luisa

Dear Luisa,

Unang-una, alisin mo sa isip na pangit ka. Kung nagmumukha kang suplada, turuan mo ang sarili mo na maging palangiti. Makakatulong din na matutunan mo ang tamang pag-aayos sa iyong sarili. Mas bagay na pana­namit o kaya’y hairstyle. Pero dapat mo ring alalahanin, na hindi lamang kaugnay sa gandang panlabas ang attraction sa opposite sex kundi maging ang pagkakaroon ng mabuting ng kalooban.

Dr. Love

DEAR LUISA

DR. LOVE

GUMAGALANG

LAGI

LUISA

MAKAKATULONG

MARAMI

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with