^

Dr. Love

Nanlamig si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na matutulungan mo ako sa ma­bigat kong problema. Tawagin mo na lang akong Irma, 27 anyos, may asawa at dalawang anak.

Dati-rati ay matamis ang pagmamahalan na­ming mag-asawa. Marami nga ang naiinggit sa amin at naging model family kami sa aming komunidad.

Pero nagbago lahat ito nang magsimulang manlamig sa akin ang asawa ko. Biktima kasi ako ng scam at nai-invest ko sa isang double your money racket ang halagang P200 libong ipon naming mag-asawa sa bangko.

Two years na po ang nakararaan at ang mga taong nanloko sa akin ay hindi na nagpakita. Una’y sinumbatan ako ng aking asawa sa pangyayari. Nilustay ko raw ang perang pinaghirapan niya. Kasunod nun ay ang kanyang panlalamig.

Umuuwi naman siya sa bahay sa takdang oras at nag-iintrega ng kanyang suweldo sa akin gaya ng dati. Pero nawala na ang sweetness sa aming pagsasama.

Dr. Love, paano maibabalik ang tamis ng aming pagmamahalan?

Irma

Dear Irma,

Patuloy kang humingi ng tawad sa kanya at himukin mong maibalik ang init ng inyong pagmamahalan. Alang-alang man lang sa inyong mga anak.

Sana’y matanto ng mister mo na walang taong hindi nagkakamali at kung ang Diyos ay nagpapatawad, dapat din siyang magpatawad.

Maaaring hindi madaling gawin iyan pero pagtiyagaan mo. Lakipan mo rin ng panalangin para ang Diyos ang kumilos sa pag-restore ng inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

BIKTIMA

DATI

DEAR IRMA

DIYOS

DR. LOVE

IRMA

KASUNOD

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with