^

Dr. Love

Selosong nobyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May dati po akong nobyo pero nagkasira kami dahil sa masyado siyang possessive.

Hindi ko po matagalan ang kanyang pagi­ging seloso na bukod sa walang basehan ay nakakaapekto sa aking trabaho. Media relations officer po ako ng isang lokal na pulitiko at ang trabaho ko ay nangangailangan ng magandang pakikitungo sa mga mamamahayag at gayundin sa mga constituents ng aking among opisyal ng bayan.

Hindi niya gusto na makipagbiruan ako at umaasiste ng todo sa mga taong dapat kong paki­samahan bilang media relations officer. Ang gusto niya ay 8 to 5 na pasok sa upisina at wala dapat ang paminsan-minsang night out para mag-treat ng mga ka­ibigan sa aking­ larangan.

Nakipagkalas po ako sa kanya at aminadong iniyakan ko ito dahil minahal ko siya ng todo. Mahal din daw niya ako kaya siya naghihigpit. Hindi kako pagmamahal ang ginagawa niya kundi pagpapakita ng kawalan ng tiwala.

Mahalaga po sa akin ang trabaho ko dahil dito ko kinukuha ang ipinangsusuporta sa aking pamilya, lalo na sa dalawa kong ka­ patid na nag-aaral pa.

Isang taon kaming walang komunikasyon hanggang nagulat ako nang bisitahin niya ako sa bahay at may pasalubong. Nag-abroad daw siya at gusto niyang magsimula kami uli. Lili­gawan daw niya ako at ipapakita na nagbago na siya. 

Dapat ko bang bigyan pa ng pagkakataon si Douglas? Paano kung mabigo uli ako sa expectation ko sa kanya?

Maraming salamat po sa inyong payo.

Gumagalang,

Vivian

Dear Vivian,

Ikaw lang ang makakasagot sa iyong tanong, dahil ikaw ang nakakakilala sa pagkatao ng iyong ex-boyfriend. Ang maipapayo ko sa iyo ay pag-aralan mong mabuti ang iyong ka­looban at tiyakin kung naka­handa ka na muli siyang tanggapin sa buhay mo, kasama na rito ang maaaring maging bulilyaso. Hangad ng co­lumn na ito ang kaligayahan mo. God bless you.

Dr. Love

AKO

DAPAT

DEAR VIVIAN

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGAD

IKAW

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with