Mas matimbang ang anak
Dear Dr. Love,
Hiwalay ako sa asawa nang magkagusto ako kay Elvira, isang balo na mayroon ding anak tulad ko.
Dalawa ang anak ko habang tatlo naman ang kay Elvira. Desidido na sana akong ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya nang umiksena ang aking dalawang anak. Dahil nangungulila na sila sa kanilang ina.
Nagkasundo kami ng aking misis na magkanya-kanya ng buhay dahil una, sobra siyang maluho at hindi ko matugunan ang estilo ng buhay na nakagisnan niya sa mga magulang. Pangalawa, nais niyang sa America na kami manirahan dahil nandoon ang kanyang mga magulang. At pangatlo, mas prayoridad niya ang mga sosyalan kaysa kasama niya kaming mag-aama sa bahay kung weekend at walang trabaho sa opisina.
Taliwas sa ugali ng aking misis, si Elvira na isang babaeng simple, bagaman siya ay maganda. Ang kahinaan lang ni Elvira, wala siyang masyadong muwang sa hanap-buhay dahil nahirati naman siya na ang asawa lang ang bumubuhay sa pamilya.
Nasa isang multinational drug company ako at medyo malaki rin ang kita kaya nagamÂÂpanan ko ang pagtulong kay Elvira at sa mga anak niyang nag-aaral.
Matagal kong pinag-isipan ang pakiusap ng aking mga anak, Dr. Love. Mahal ko man si Elvira, mahal ko rin ang mga anak ko. Tumagal pa ng tatlong taon ang ganitong sitwasyon hangÂgang nagkaroon ako ng mild heart attack.
Naging daan ito para magbalik ang aking asawa, siya ang nag-alaga sa akin sa ospital. Dito rin siya humingi ng tawad sa akin. Na-realize raw niyang hindi ganap ang kaligaÂyahan niya kung magkalayo kami.
Naipagtapat ko na ang lahat kay Elvira at itinaboy niya ako. Dahil pinaglaruan ko lang daw ang pag-ibig niya. Naawa ako sa kanya pero mas matimbang ang aking mga anak.
Gumagalang,
Vic
Dear Vic,
You can never have both world, totoo ‘yun. Malinaw na natuto na ang iyong asawaÂ, sana ay nalaman mo rin kung sino ang talunan sa wasak na relasyon ng mag-asawa. Hangad ng pitak na ito ang ganap mong paggaling at tuluy-tuloy na kaligayahan para sa inyong pamilya.
Dr. Love
- Latest