Dahil sa depression
Dear Dr. Love,
Hindi ko na pakakahabaan ang sulat ko. Tawagin mo na lang akong Elsa, 40-anyos. Ang problema ko ay ang aking asawa. Magmula nang mamatay sa isang aksidente ang aming 7 taong gulang na anak na lalaki, tatlong taon na ang nakararaan, nagpapakita na siya ng kakatwang behavior.
Tinatangka ko siyang aliwin sa pamamagitan ng mga positibong salita pero madalas ay parang wala siya sa sarili at hindi iniintindi ang sinasabi ko.
Nababahala po ako Dr. Love baka siya’y nababaliw. Ano po ang gagawin ko?
Elsa
Dear Elsa,
Kailangan niya ay professional help ng isang psychiatrist. Huwag ka nang mag-atubili at ipasuri mo agad siya para maagapan. Ang dinaranas niya ngayon ay matinding depression na posibleng humantong sa tuluyang pagkabaliw kung hindi maaagapan.
Dr. Love
- Latest