Pasan ang buong mundo
Dear Dr. Love,
Magandang araw sa inyo at sana’y nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang sulat ko.
Tawagin n’yo na lamang akong Ariel ng Bulacan. Mababa ang aking pinag-aralan kung kaya mailap sa akin ang magandang kapalaran.
Isa lamang po akong pedicab driver at high school lang ang natapos ko. Ako po ay 25 anyos na at single pa rin. Hindi rin ako guwapo kaya minsan lang ako nagka-girlfriend at hindi na nasundan nang mag-break kami.
Minsan po’y 300 piso lang ang aking kinikita sa pagpadyak at sa balikat ko nakapatong ang pambili ng pagkain ng aking mga magulang at kapatid na pawang malalaki na.
Noon po’y gusto kong mag-aral pero wala na akong panahon dahil kailangang kumayod.
Ano kaya ang gagawin ko para umasenso?
Ariel
Dear Ariel,
May kasabihan sa Ingles na “If there’s a will, there’s a way.†Kung gusto mo, may paraan. Dinagdagan pa nating mga Pilipino iyan ng “Kung ayaw, may dahilan.†Maraming short-term courses diyan na puwede mong pasukan at ‘yung ibang inaalok ng gobyerno ay libre pa. Ni hindi mo kailangang mag-full time sa pag-aaral at puwede mong i-schedule ang oras sa pag-aaral at trabaho.
Wala bang trabaho ang iba mong kapatid? Sa pagsasalaysay mo, tila ang buong daigdig ang pasan mo. Aba, dapat naman magtulung-tulong kayo at hindi lang ikaw ang kumakayod.
Sa gulang mong 25, ilang taon na lang at talagang alangan na para sa iyong ang mag-aral kaya habang medyo bata ka pa ay gawin mo na.
Dr. Love
- Latest