^

Dr. Love

Iniwan ni Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kamusta po kayo? Sana’y masaya kayo at walang problema sa pagtanggap ninyo sa aking­ liham. Hindi katulad ko na malungkot dahil suma­kabilang-bahay ang aking mister.

Tawagin mo na lang akong Lydia na ngayo’y isa nang single parent dahil one year nang wala ang asawa ko. Natukso siya at sumama sa ibang babae na mas bata at maganda kaysa sa akin.

Aaminin ko na sa edad kong 38, ako’y tu­maba nang husto at napabayaan ko ang pagpapaganda. Dangan kasi’y  nagtitinda ako sa palengke para dagdagan ang kapus na kinikita ng aking mister kaya hirap akong asikasuhin ang pagpapaganda.

Sa kabila ng lahat, hinahangad kong balikan ng aking asawa pero ang tanong ay papaano? Maganda ako noong araw at masasabi kong mas maganda ako sa babaeng sinamahan niya kung hindi ako naging losyang.

Ngayo’y nakapisan kaming mag-ina sa aking mga magulang. Posible pa kayang magkabalikan kami?

Lydia

Dear Lydia,

Hindi ko masasagot ang katanungan mo. Pero siguro kung magpapapayat ka at maibabalik ang dati mong ganda, maaaring balikan ka ng iyong nagsalawahang asawa.

Pero habang maligaya siya sa piling ng kanyang “other woman” tila medyo malabong mangyari ang pakikipagbalikan maliban na lang kung makonsensya siya dahil nasa poder mo ang kanyang anak.

Kaya pagbutihin mo ang pagpapa-seksi. Ka­hit tindera ka sa palengke, dapat kaakit-akit ka para mahimok mo siyang magbalik.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

DANGAN

DEAR LYDIA

DR. LOVE

KAMUSTA

KAYA

LYDIA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with