^

Dr. Love

Tawag ng laman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Brando na lang ang itawag mo sa akin. Sa edad kong 50-anyos ay matikas pa rin ang da­ting at maraming nagkakagustong babae.

Ang asawa ko ay biktima ng stroke at isa nang paralitika. Mahal ko siya ngunit nagha­hanap din ng init ang aking katawan.

Limang taon na sa ganoong kondisyon ang misis ko at noong una’y palihim akong nakiki­pagtalik sa ibang babae. Mayroon akong kabit noon.

Nang ako’y maging born again Christian, nala­man kong mali ang aking ginagawa at isa palang kasalanan.

Pero talagang dumarating ang pagkaka­taong ginigiyagis ako ng pagnanasa. Idinaraan ko na lang sa “sariling sikap” para lang maibsan ang nasa ng aking laman.

Kasalanan po ba ito?

Brando

Dear Brando,

Sinasabi sa Biblia na ang tao’y hindi dapat padaig sa  tawag ng laman (lust of the flesh). May tagubilin din ang Bible na para hindi ma­naig sa atin ang pita ng laman, lagi tayong magpagabay sa Banal na Espiritu (Galatians 5:16).

Lahat naman ng tao’y nagkakasala kahit pa sabihin mong ikaw ay isang Kristiyano. Ito’y dahil sa likas nating kahinaan. Kaya nga tinanggap natin si Kristo upang siyang gumabay sa atin at  magtayo sa atin kapag tayo’y nabubuwal.

Always pray and be guided by the Holy Spirit na siyang nagbibigay sa atin ng kalakasan. At kung tayo’y nagkakasala, lumapit lagi tayo sa Panginoon at humingi ng tawad. Walang ka­sa­lanang walang katumbas na kapatawaran sa Diyos basta’t tayo’y taimtim na nagsisisi.

Dr. Love

BIBLIA

BRANDO

DEAR BRANDO

DIYOS

DR. LOVE

ESPIRITU

HOLY SPIRIT

IDINARAAN

SHY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with