^

Dr. Love

Nagising din si Daddy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Fourth year palang ako, hiwalay na ang daddy at mommy ko. Hindi malinaw sa amin ng kapatid kong si Monina kung ano ang hindi nila pinagkasunduan. Nasa pangangalaga kami ng aming daddy pero kapag Sabado, Linggo, holidays o bakasyon sa eskwela ay nasa condo naman kami ni mommy.

Parehong professional ang aming mga magulang, CPA ang mommy ko habang medical representative naman si daddy. Galante si daddy, bukas palad sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Ang tinitirhan naming bahay ay minana ni daddy sa kanyang mga magulang.

Minsan, sinabi ni daddy na plano niyang mapawalang bisa ang kasal nila ni mommy dahil sa nakilala niyang balo, na balak niyang pakasalan. Tutol ako dito, Dr. Love lalo na nang malaman kong apat pala ang anak ng kanyang girlfriend. Pero pinigilan ko ang sarili ko na mag-react, pati na rin si Monina na umaasa pang magkakabalikan ang aming mga magulang.

Lokong-loko si daddy kay Aling Nena, na sustentado niya pati ang kabuhayan na parlor at siya rin ang nagpapaaral sa dalawang anak nito na nasa kolehiyo na gaya ko. Kaya pala madalas kinakapos si daddy sa aming allowance.

Nang malapit nang mag-retire si daddy, sinurpresa niya kami sa regalo niyang trip to Europe para sa aming magkapatid. Pero mas higit pa ang aming pagkapanabik dahil kasama pala si mommy. Lihim na nakipag-ayos si daddy kay mommy. Nagising na raw siya sa kanyang pagkakamali at sinabing tama ang aming ina sa panuntunan nito sa buhay.

Nangyari ang pagkagising ni daddy nang sagot-sagutin siya ng panganay na anak ni Aling Nena. Na-realize niya na ang sasagot lang sa naiwang responsibilidad ng yumaong asawa ang kailangan nito pero hindi ang kahati sa pagdedesiplina sa kanyang mga anak.

Parang tripple joy ang nangyari, Dr. Love.  Napaluha kami ni Monina sa sobrang saya dahil sinagot ng Maykapal ang matagal naming ipinagdarasal na magkapatid, na mabuong muli ang aming pamilya.

Maraming salamat sa Panginoon.

Gumagalang,

Jackson

Dear Jackson,

Sadyang may panahon ng hindi pagkakaintindihan, na kung minsan ay nauuwi sa paghihiwalay. Pero sa sandaling magkaroon ng pagtanggap at pagsisisi sa pagkakamali ay dumarating din ang panahon ng pagkakasundo at bumabalik sa pagmamahalan ng bawat mag-asawa. Walang kasing saya ang hatid ng muling pagbubuklod ng isang pamilya. Hangad ko na patuloy na kaligayahan na para sa inyo. God bless you!

DR. LOVE

ALING NENA

AMING

DADDY

DEAR JACKSON

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGAD

MONINA

PERO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with