^

Dr. Love

Dapat bang ipagtapat?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung puwede’y hindi ko na babanggitin ang buo kong pangalan. Just call me Jovy, 25-anyos at isang single parent.

Nagkaroon ako ng boyfriend two years ago pero nag-break kami matapos niya akong mabuntis. Takot kasi siya sa responsibilidad.

Buong tapang kong tinanggap ang paghihiwalay namin. Para sa akin, siya ang nawalan at hindi ako. Nasa akin ang aming anak at iyan bagay na ipinagmamalaki ko.

Nagkaroon ako ng bagong boyfriend pero ang pakilala ko sa kanya sa anak ko ay isang pamangkin.

Sabi sa akin ng mga close friends ko, baka maging problema ko ang pagtatago ng lihim na ito. Dr. Love, natatakot akong magtapat sa boyfriend ko dahil baka iwanan niya ako. Ano ang gagawin ko?

Jovy

Dear Jovy,

Kung buong tapang mong nadispatsa ang una mong boyfriend, bakit hindi mo magawang sabihin ang totoo sa bago mong kasintahan?

Ang lihim, pakatagu-tago mo man ay lalantad din sa takdang panahon kaya mabuti pang ngayon pa lang ay ipagtapat mo na.

Kung tatanggapin niya ang katotohanang itinatago mo, tunay ang kanyang pag-ibig. Pero kung hindi, hindi ka niya totoong mahal kaya mawala man siya ay hindi mo dapat ipagdamdam.

Dr. Love

             

ANO

BUONG

DEAR JOVY

DR. LOVE

NAGKAROON

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with