Nakatali sa obligasyon
Dear Dr. Love,
Hindi lang twice kundi maraming beses nang nauudlot ang plano naming pagpapaÂkasal ng aking boyfriend.
Halos ilang taon na po kaming magkaÂrelasyon ni Noel. Lampas na po akong 32 anyos at gayundin naman siya. Pero nananatiling wala pa ring katiyakan ang aming relasyon.
Ang totoo Dr. Love hindi man sabihin sa akin ni Noel, alam kong may kinalaman sa kanyang pagiging Tsinoy ang nagiging kalagayan ng aming relasyon. Sa katunayan nga po, sa tuwing mababanggit ni Noel ang kasal sa kanyang mga magulang, ilang araw pa lamang ay madadala na naman sa ospital ang kanyang ina. Hindi po ako gusto ng mommy ni Noel. Dahil para sa kanila, kalahi ang dapat mapangasawa.
Isang mabuting anak po si Noel. Ayaw niyang magkakaroon ng sama ng loob ang kanyang mga magulang. Siya rin ang tumatayong tagapamahala ng kanilang negosyo mula nang ma-mild stroke ang kanyang ama.
Para po akong naghihintay sa wala, Dr. Love. Kaya sinunod ko ang payo ng close friend ko na si Loida. Nagbigay ako ng ultimatum kay Noel. Tinulungan ako ng aking kaibigan na makahanap ng ibang trabaho para magkaroon ng ibang environment, maÂraming bagong kaibigan at suitor na rin. Pero bago pa ako mag-entertain ay hiningi ko na ang kalayaan ko kay Noel.
Ngayon po ay masaya ako sa piling ng napangasawa kong si Mark at sa dalawa naming mga anak. Ang balita ko po hanggang sa kasalukuyan ay binata pa rin si Noel. Sa palagay ko, tama lang po ang naÂÂging desisyon ko. Dahil mas nanaig kay Noel ang obligasyon niya sa pamilya.
Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham ko. Nawa’y patuloy kayong gabayan ng ating Maykapal para marami pa kayong mabigyan ng makabuluhang payo.
Gumagalang,
Margie
Dear Margie,
Sumasang-ayon ako na tama lang na hindi mo hinayaan na mahadlangan ang sarili mong kaligayahan, sa paghihintay sa relasyong walang katiyakan. Natutuwa ako at masaya ka sa piling ng iyong pamilya. Hangad ko na patuloy na lumago ang pagmamahalan ninyong mag-asawa para sa lalong ikatatatag ng inyong mag-anak.
Dr. Love
- Latest