^

Dr. Love

Walang karapatang maghinanakit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula nang mamatay ang aking mister, hindi na nagpupunta sa aming bahay ang kanyang kapatid na babae, na kabaliktaran noong buhay pa ang asawa ko.

Dahil hindi siya nauubusan ng pabor na gustong ilapit sa aking asawa, mula sa pag-utang hanggang sa pagpapahanap ng trabaho para sa mga batugan niyang mga anak.

Ang sabi ng aking panganay na anak, baka nahihiya ang kanyang auntie dahil sa haba ng listahan ng pagkakautang nito, bukod pa ang listahan ng kanyang mga anak na hindi na nabayaran lalo na sa panahong nangangaila­ngan kami ng perang pambayad sa ospital at punerarya. Isa pa ay alam na rin niya na nabuko na siya sa pag-aakalang hindi sinasabi ng aking­ asawa ang mga bigay niyang pera sa kapatid bukod pa ang pautang.

Isang araw ay nagtangka na naman siyang magbenta ng sad story niya, pero prangkahan kong sinabi sa kanya na pareho lang kaming balo, umaasa sa pensyon dahil ako ay retirado na. Ang kaibahan lang namin ay walang anak na may asawa ang nakatira sa akin.

Pinayuhan ko ang aking hipag na hayaan na niya ang mahigit sa 30-anyos nang mga anak, tikisin niya ang kanilang mga panga­ngailangan para matutong magbanat ng buto. Nasanay kasi sila sa maginhawang buhay noong buhay pa ang kanyang asawa.

Sinabi ko sa aking mga anak na hindi baleng magalit ang hipag ko o magsumbong siya sa nakakatandang kapatid na nasa Amerika, hindi ko naman kayang umalalay sa kanya dahil wala na rin akong katuwang sa buhay.

Hindi ko gustong magaya sa kanya na sa halos lahat ng tindahan ay may mahabang lista ng utang o parang namamalimos ng awa sa kamag-anak  at mga kaibigan para makabili ng masarap na ulam para sa mga anak at mga apo. Nagtitipid ako ngayon para may madukot sa oras ng pangangailangan.

Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham kong ito at sana kapulutan ito ng aral ng mga mambabasa ninyo.

Gumagalang

Adelina

Dear Adelina,

Walang karapatang maghinanakit ang iyong hipag dahil nagsabi ka lang ng totoo. Talagang may pagkakataon na masakit malaman ang katotohanan lalo na sa taong nasanay na sa maling sistema sa buhay at balewala na kahit makaperwisyo ng iba.

Hinahangaan ko rin ang panuntunan mo bilang magulang. Natitiyak ko na kinapulutan ng magandaang aral ng ating readers ang iyong kasaysayan. Maraming salamat sa iyong pagtitiwala.

Dr. Love

 

ADELINA

AKING

AMERIKA

ANAK

DEAR ADELINA

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with