^

Dr. Love

Asawang naglayas, hindi mahagilap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

How are you Dr. Love? Let me be brief and direct to the point. Tawagin mo na lang akong Carmen, 26-anyos at isang computer engineer.

Two years ago ay nag-asawa ako sa isang lalaking hindi ko akalaing iresponsable. Mahigit isang taon pa lang ang pagsasama namin ay hiniwalayan niya ako at sumama sa ibang babae.

Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi kami nagkaanak dahil baka maging kaugali pa niya. Noong una’y mabait siya at mukha namang responsable pero ‘di nagtagal ay lumabas ang kanyang tunay na ugali.

Ang problema ko ay ito, bata pa ako at ibig ko ring magkapamilya. Hindi ko alam ang kinaroroonan ng asawa ko kaya papaano ko mapapa-annul ang kasal namin?

Pagpayuhan mo sana ako.

Carmen

Dear Carmen,

Kung legal na basehan ang gagamitin, may legal ground ka para hiwalayan ang iyong asawa. Tama ka sa pagsasabing ibig mo pang makabuo ng pamilya, bagay na ‘di mo magagawa habang nananatili kang kasal sa naglayas mong asawa.

Kaso nga, kailangang magharap kayo sa korte kung magpapa-annul kayo kaya dapat mo siyang hanapin.

Hindi ko alam kung may ibang legal remedy kaya ang maipapayo ko sa iyo ay kumunsulta ka sa abogado.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR CARMEN

DR. LOVE

IPINAGPAPASALAMAT

KASO

MAHIGIT

NOONG

PAGPAYUHAN

TAMA

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with