Habaan ang pasensiya
Dear Dr. Love,
Let me just go direct to the point. Tawagin mo na lang akong Lucille. Dati’y maayos ang pagsasama naming mag-asawa kasama ang tatlong anak.
Nang mabiyuda ang aking biyenang babae, nagpasya ang mister ko na kupkupin na namin siya. Wala kasi silang sariling bahay kundi naÂngungupahan lang. Nasa 76 anyos na ang biyenan ko pero malakas pa.
Ang kaso, marami siyang pintas sa ginagawa ko sa bahay. Ang kaayusan ng mga gamit ay pinakikialaman.
Naiirita na akong masyado pero nagtitimpi lang ako.
Ano ang dapat kong gawin?
Lucille
Dear Lucille,
Wala kang magagawa kundi habaan ang pasensya.
Ina siya ng iyong asawa at hindi naman puwedeng itapon ng anak ang sariling ina.
Unawain mo na lang ang matanda at isiping sarili mo rin siyang ina na pinagsasabihan ka.
Huwag mong hayaang masira ang inyong magandang pagsasamahan ninyong mag-asawa dahil lamang sa biyenan.
Dr. Love
- Latest