^

Dr. Love

Lulubog, lilitaw si mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagkaraan ng dalawampu’t dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, nagpasya na akong tuluyan nang makipaghiwalay kay Frankie. Hindi ko na kayang maghintay sa kanyang pagbabago. Sa kanyang uga­ling hindi sisipot sa aming mag-iina ng ilang taon kung mayroong bagong kinakasama.

Umuuwi lang siya kung minsan pagkaraan ng isa o dalawang taon kung mayroong kinalolokohang iba. Ilang ulit ko na po siyang inunawa, Dr. Love dahil sa sinasabi niyang kahinaan sa babae.

Kung noong una, takot akong mag-isang bumalikat ng responsibilidad sa pagpapalaki at pagtataguyod sa aming dalawang anak, ngayon po ay hindi na. Sinu­werte naman ako sa aking itinayong parlor at boutique.

Sa pinakahuli niyang pag-abandona sa amin, hindi ko na siya tinanggap nang magbalik siya pagkaraan ng dalawang taon. Sawa na po ako sa paghihintay, sawa na ako sa kanyang alibi. Hindi naman siya hinahanap ng aming mga anak na ngayon ay kapwa nasa kolehiyo na.

Dalawampu’t isang taon ako nang ikasal kay Frankie na noon ay dalawampu’t limang taong gulang na. Bagaman niligawan naman niya ako noon nang matagal, ramdam ko pinakasalan lang niya ako dahil noon ay nagdadalang-tao na ako sa aming panganay.

May trabaho naman po siyang permanente na ka­yang bumuhay ng isang pamilya pero ang lahat niyang nakarelasyon ay siyang gumagastos sa kanya. Mahilig siyang kumuha ng sugar mommy. Kaya kung hindi may asawa, balo o hiwalay sa asawa ang kanyang kinukuha. Hindi siya ang nagbabahay. Siya po ang ibinabahay.

Ayaw ko nang mawala ang respeto sa sarili, Dr. Love. Hindi ko na kailangan ang asawang bagaman nagsusustento sa kanyang mga anak, hindi naman nagsasaalang-alang sa aking damdamin. Kaya itinaboy ko na siya Dr. Love. Pinabalik ko na siya sa kanyang huling biktima.

Bahala siya kung magbibigay ng sustento sa aming anak o hindi. Tutal, hindi rin naman siya regular na nagbibigay ng allowance sa kanila. Kaya ko na ang buhay na walang asawa. Sana po sa naging desisyon kong ito, maging mapayapa na nga ang aking isip at kalooban.

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-daan sa liham kong ito.

Gumagalang,

Nanette

Dear Nanette,

Sa pagkakasalaysay mo ay nakapagpasya ka na tungkol sa relasyon ninyong mag-asawa. Gayunman, ipinapayo ko na minsan pa ay bigyan mo ng katiting na puwang para mabigyan pa ng pagkakataon ang iyong asawa sa kanyang muling paglubog at paglitaw sa buhay ninyong mag-iina.

Sikapin mo muna na makapag-usap kayo ng sa­rilinan at masabi mo lahat ng niloloob mo at ang mga balak mong gawin kaugnay sa nangyayari sa inyong relasyon. Higit sa lahat, kung ano ang pananaw ng inyong mga anak kaugnay dito.

Hindi kasi lahat ng bagay na tinalikuran na ay maaari mo pang balikan, kaya pinakamabuti na matiyak mo sa iyong sarili ang desisyong bibitawan.

DR. LOVE

AKO

DEAR NANETTE

DR. LOVE

FRANKIE

KANYANG

KAYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with