Nagbalik sa dating gawi
Dear Dr. Love,
Naaalala ko po na madalas akong paÂala lahanan ng kaibigan kong si Felix noong nililigawan ko pa lang si Rosita. Hindi ko po ito iniinÂtindi dahil ang alam ko ay nakatitiyak ako sa aking nararamdaman at gusto kong marating namin ni Rosita.
Sa isang beerhouse po kami nagkakilala ni Rosita, doon siya nagtatrabaho. Ako naman ay isang taxi driver at madalas kami pumupunta ni Felix sa Beer Garden kung saan ko nakilala si Rosita at nabuo ang aming romansa.
Nauwi sa kasalan ang samahan namin ni Rosita, hindi engrande. Sina Felix at ang kanyang asawa ang nagsilbing witness sa harap ng isang judge.
Pinatigil ko si Rosita sa kanyang trabaho para ako na lang at ang aming magiging anak ang kanyang aasikasuhin. Nang magsama na kami sa iisang bubong, biglang lumaki ang aking pamilya, Dr. Love. Dahil bitbit niya ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na nag-aaral sa high school. Dulot nito ay kinailaÂngan kong kumayod ng doble. Nag-suggest naman si Rosita na magtatayo siya ng karinderya para makatulong.
Natuwa ako noong una, pero kalaunan ay nadiskubre ko na palabas lang niya ang karinÂderya. Dahil ang talagang intensiyon niya ay makasama uli ang mga kaibigan niya sa beerÂhouse. Dahil ang karinderya ay isang beerhouse sa gabi.
Nagsimula ang hindi namin pagkakaunawaan tungkol dito, na lumala pa dahil muling naging kaulayaw ni Rosita ang dati niyang parokyano. Halos hindi ko na-control ang aking sarili, inaÂwat lang ako ng aking mga biyenan.
Matagal na po ang pangyayaring ito sa buhay ko, Dr. Love. May sarili na po uli akong pamilya bagaman hindi pa nalelegalisa ang samahan namin ni Kristine. Pero hindi po ako nawawalan ng pag-asa na maisasaayos ang lahat.
Salamat po at hangad ko ang patuloy na pagÂÂÂÂyabong ng column ninyo.
Gumagalang,
Charlie
Dear Charlie,
Kung minsan, may mga hindi tayo inaasahang pangyayari na nararanasan. Pero magkagayon man, hindi dapat tumigil ang ating buhay dito.
Tama na hindi ka mawalan ng pag-asa sa pagsasaayos ng iyong buhay. Simulan mo ito sa pagpapatawad kay Rosita. Para maharap mo nang matuwid ang bawat darating na bukas sa iyong buhay.
Dr. Love
- Latest