^

Dr. Love

Kasal-kasalan?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat ay binabati kita  pati na ang mga masusugid mong tagasubaybay ng magandang araw.

Sana’y mapaunlakan mong itampok ang aking sulat sa malaganap mong co­lumn na Dr. Love.

Rhina ang aking pangalan, 24-anyos at kumukuha ng kursong nursing.

Nang 20-anyos pa lang ako ay nakipagtanan na ako sa aking boyfriend at nagpa-secret marriage kami sa Bulacan.

Pero hindi kami nagsama at nagpatuloy na mag-aral ang bawat isa sa amin. Hindi ko masiguro kung totoo o peke ang aming kasal. Ang nagkasal sa amin ay isa raw ministro ng isang  sekta ng relihiyon.

Bigla na lamang nawala ang aking asawa noong 21-anyos ako at wala na akong balita sa kanya.

Legal kaya ang kasal namin?

Rhina

Dear Rhina,

Malalaman mo lang kung legal o hindi ang inyong kasal kung itsi-check mo sa National Statistics Office o NSO. Kapag na-irehistro ang kasal doon, balido at may bisa.

Pero malakas ang hinala kong hindi totoo ang inyong kasal lalo pa’t ministro ng  isang sekta ang nagkasal na hindi kapareho ng inyong relihiyon. Sa pagkakaalam ko ang mga ministro ay puwede lamang magkasal kung ang ikinakasal ay miyembro ng kanilang sekta.

Dr. Love

BIGLA

BULACAN

DEAR RHINA

DR. LOVE

KAPAG

MALALAMAN

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PERO

RHINA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with